Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2007

Resbak

Dahil inuna na ni G.T. Cancel kaming mga kalalakihan, e hindi naman yata tamang manahimik nalang ako at magwalang bahala. Kaya kung baga, bilang ganti sa mga kahalayang kanyang ibinunyag, ako naman ang maglalabas ng mga anghit nila. Sa dinami-dami ng mga taong nakilala ko, masasabi kong isa na siguro sa pinaka-malalakas humithit ng katol ang mga kaklase ko. Pero dahil nga sem break na naman at malamang ang iba sa amin ay mamamaalam na (parang patay lang e noh?), e titinuan ko na lang tong entry na to. Simulan natin kay: Abi - para tong panahon, pabago-bago ng klima. Minsan okay lang tapos magugulat ka na lang may sapi na. At kung anu-ano ng lengwahe ang binabanggit. Ang may-ari ng infectious laptop; lungga ng mga kilabot na viruses na nasagap nya mula sa pagba-browse ng **** sa internet at yung mga nakuha nya sa ibang workstation sa comp. lab at mga pc rental shops sa labas. Hi ate! Pero sa tingin ko, misunderstood lang sya. Kailangan nya lang sigurong matutong makihalubilo sa ibang ta...

Bakit LAlayo Sa LAlake??

Madalas sa araw-araw,ibat-ibang tao ang nakakasama natin, merong hanep kung tumitig, parang may infrared amg mata na ini-iscan ka mula ulo hanggang paa, may astig mag-lakad , merong parang nawawala at merong parang wala. Sa aming eskwelahan, marami-rami na rin akong nakilala, at sa sobrang unique ng bawat isa, gusto kong isa-isahin ang mga katangian nila. ☺UNAHIN NATIN SA MGA LALAKE: ◘ ALLAN: Kung sa ka-Epalan lang, wala ng tatalo jan, iyang si allan, hindi mo malaman kung seryoso o High lang talaga, minsan kasi nag-kukwentuhan kami ng mga seryosong bagay, tapos bigla-bigla na lang babanat ng mga Jok-Jok nya (Eh di aman nakakatawa) pero ok. naman sya, mahusay at cool din kasama kahit papano, ºoh kala mo pinuri ka na?º ◘ JASPER*Luma: Ewan, ewan ko diyan!, di ata gaanong mahilig sa group picture eh, me ☺pag ka-maangas at mayabang yan. pero may sens naman, laging doble ang t-shirt, kala mo laging (change costume•kasama kaya sya Justice league?) ewan ko kung bakit, sobrang malinis, ayaw pa...

Unang hirit!

Due to insistent public demand, here it is, ang pinakauna kong post sa blog ni G.T. Cancel a.k.a. BatangNilafang. Wahahaha! Sa wakas patapos na rin ang 1st semester, punyetang mga projects yan! Nangayayat ako ah! Hindi ko inasahang magkakapatong-patong yung mga projects ko, masyado kasi akong nagpetix-petix, inisip ko nung una, matatapos ko din yun kaagad, pero nakalimutan ko ang isang napakahalagang bagay... tamad nga pala ako.^^ La naman ako masyadong masabi tungkol sa darating na sem break maliban sa... yippee!!! tsaka woohoo!!! at damn you Abi and your infectious laptop! Joke lang. =p Isa sa mga bagay na nagpasakit sa ulo ko ngayung sem ay yung nakakasulasok na dami ng mga virus sa mga pc sa comp. lab. Dati balewala lang sakin yun, dahil madali ko lang naman natatanggal at di naman nahahawa yung pc ko sa bahay pag sinasaksak ko yung usb ko, pero di ko inakala na sa huling araw pa ng klase ko mabibiktima... Kaya ngayon habang abala ko sa pagtutuldok dito sa keyboard, nag-sscan ako n...