Hindi na nga ianaasahan, at isa pa masyado na ngang biglaan, abala na sa sched namin, super gastos pa ang inabot ko dito... masaya, ine-required kami ng program head namin na mag punta sa world trade center, hindi yung binomba, yung local world trade natin dito sa pinas... eto, eh sa sobrang lapit sa mga pwedeng pag-galaan, kaya ng maka tuntong pa lang kami eh, buong sabik agad na nag puntang MOA ( Mall of Asia ) malapit lang kasi yun. Hayun, pikturs-pikturs ang inabot namin sa galaan, halos nakalimutan ko na na may mga projects pa kaming hindi natatapos >hayzz< sulit naman ang pagod, (hindi dahil marami kaming nakitang exhibit sa World Trade) pero dahil naka-pag gala na naman kami.
Marami nga kaming kabalbalan na pinag gagawa duon, kumain, mag window shopping panoorin yung mga taong may ibat ibang emosyon ang mga mukha habang nag lalakad ( tapos pag-tatawanan lang) AHahaha!!!! masaya talaga, dahil kumpleto kami, kaming mag kakaibigan. yung nasa pic. <<< pero nakakapang hinayang dahil, wala yung special someone mo dun, sayang talaga, for sure mas enjoy yung lakad namin na yun. Pero ang pina ka masaya sa lahat eh ang biyahe, journey daw ika nga (wahehehe) gustong-gusto ko talaga ang bumyahe, tapos matutulog lang sa van. o sa cab... ( sarap kasi eh, para kang dinuduyan) eheheh...
Pag Uwi ko kinuwento ko kaagad sa aking butihing ina lahat, sabi nya sa college life ko daw talaga madalas mararanasan yang mga lakad-lakad na yan, at habang buhay na hindi ko dapat kalimutan tung masasayang ala-ala para daw pag tanda ko may mga ikukuwento ako sa mga magiging apo at anak ko, (Eh wala namang naikuwento ang nanay ko tungkol sa MOA ah) (hehehe, la sya experience!!!) sana maulit pa ito no... hayz...
Comments