Skip to main content

Saan Mo Madalas Ubusin ang Oras mo ha?


Marami talagang magagandang pangyayari ang madalas nagaganap sa ating mga paaralan. Nandiyan ang hirap sa projects, pag-ka badtrip sa mga Professors, cutting classes (kung minsan lang naman...), frienship bonding, sa akin... career na rin, lovelife?, dating..., labas-labas kasama ng friends, pakikipag socialize, hmmm... ano pa ba?, tsempre para matuto, matuto ng ka- walnghiyaan, ng pagka rebelde, ng pagka independent, ng pagka-liberated, ng maraming bagay about world..., ng pagiging wild, ng pagiging teenaged, ng mga kahenyuhan, ng mga bagong tuklas... (good or bad) wala tayong pake-alam. Dahil tayo ay nasa eskwelahan, malayo sa bahay, at sa maingay na bunganga ni Nanay; HOooOOpPs!!

OO naman, masaya, malungkot, nakaka-kilig 0 nakaka nLuv, pag-kabigo, tagumpay, sakripisyo at kaalaman,kaibigan, at ka-ibigan, sa eskwelahan natin yan mararanasan. Kaya nga bat pakiramdam ko eh... ayaw ko ng gumradewyt!!! sobrang nakakalungkot. Kahit na nga malayo pa yun. Minsan di ko maiwasan ang malungkot... matapos ang apat 0 limang taon ng pakikihamon, pag-dadaanan din natin ang kasukdulan ng mga ito. Gaano man kasaya o kalungkot, gaano man ito naging ka dali o kahirap, gaano man naging madugo ang laban o painless, di ito ang mahalaga, ang mahalaga... matatapos ito ng meron tayong natutuhan, ng may na bago sa ating pag-katao at tayo ay nadala na sa mga maling hakbang na hindi na sana nilagpasan, na tayo ay higit pang umunlad sa tulong ng ating mga insirasyon at pangarap... Maaaring ang mga panahon at ginugol nating oras sa loob ng paaralan ay magtapos na ano mang oras, pero ang tunay na hamon ng buhay ay nag-uumpisa pa lamang, Kaya salamat sa tanging lugar na humubog sa malaking parte ng ating pagka-tao.

Ang mga araw na mag-dadaan sa bawat taon natin sa paaralan ay dapat na ituring higit na kayamanan. Sapagkat di ito mapapalitan ni maibabalik pa ng kahit sinong santo dyan sa lugawan o ng mga psychologist diyan na aalamin ang pastlife mo at sasabihin pa na ikaw ay isang pharoh nung panahong kakagawa pa lang ng earth... kahit ilang ulit mong tanawin ang mga litrato ng friendships mo eh... hindi mo mapapagulong yan na parang slideshow kung slideshow man yan (eh hindi parin ikaw ang gugulong...) o di kaya eh panoorin mo man iyan ng paulit-ulit sa youtube, di niyan mapaparanas sayo ang sarap ng buhay... (iinggitin ka lang niyan sa pagbabalik tanaw)masuwerte tayong mga taong mayaman sa karanasan at kaalaman, dahil isa ito sa pinaka mahahalagang sangkap sa pag hubog ng isang tunay na tao sa darating na panahon ng mas malalaking paghamon.

Comments

G.T Cancel said…
Panawagan nga po jan ke fatimasz.... KAJANAN!!!

Popular posts from this blog

hayz...

Hindi na nga ianaasahan, at isa pa masyado na ngang biglaan, abala na sa sched namin, super gastos pa ang inabot ko dito... masaya, ine-required kami ng program head namin na mag punta sa world trade center, hindi yung binomba, yung local world trade natin dito sa pinas... eto, eh sa sobrang lapit sa mga pwedeng pag-galaan, kaya ng maka tuntong pa lang kami eh, buong sabik agad na nag puntang MOA ( Mall of Asia ) malapit lang kasi yun. Hayun, pikturs-pikturs ang inabot namin sa galaan, halos nakalimutan ko na na may mga projects pa kaming hindi natatapos >hayzz Marami nga kaming kabalbalan na pinag gagawa duon, kumain, mag window shopping panoorin yung mga taong may ibat ibang emosyon ang mga mukha habang nag lalakad ( tapos pag-tatawanan lang) AHahaha!!!! masaya talaga, dahil kumpleto kami, kaming mag kakaibigan. yung nasa pic. Pag Uwi ko kinuwento ko kaagad sa aking butihing ina lahat, sabi nya sa college life ko daw talaga madalas mararanasan yang mga lakad-lakad na yan, at haban...

Bakit LAlayo Sa LAlake??

Madalas sa araw-araw,ibat-ibang tao ang nakakasama natin, merong hanep kung tumitig, parang may infrared amg mata na ini-iscan ka mula ulo hanggang paa, may astig mag-lakad , merong parang nawawala at merong parang wala. Sa aming eskwelahan, marami-rami na rin akong nakilala, at sa sobrang unique ng bawat isa, gusto kong isa-isahin ang mga katangian nila. ☺UNAHIN NATIN SA MGA LALAKE: ◘ ALLAN: Kung sa ka-Epalan lang, wala ng tatalo jan, iyang si allan, hindi mo malaman kung seryoso o High lang talaga, minsan kasi nag-kukwentuhan kami ng mga seryosong bagay, tapos bigla-bigla na lang babanat ng mga Jok-Jok nya (Eh di aman nakakatawa) pero ok. naman sya, mahusay at cool din kasama kahit papano, ºoh kala mo pinuri ka na?º ◘ JASPER*Luma: Ewan, ewan ko diyan!, di ata gaanong mahilig sa group picture eh, me ☺pag ka-maangas at mayabang yan. pero may sens naman, laging doble ang t-shirt, kala mo laging (change costume•kasama kaya sya Justice league?) ewan ko kung bakit, sobrang malinis, ayaw pa...

The El Salute

Grabe, ibang klase! wala na atang tatalo sa batch namin kung sa pag-papauso lang ng mga kabalbalan ang pag-uusapan, kami ang bida dun! Minsan hindi mo napapansin, dadating na lang ang araw na may isang bagay kaming masayang pinagtitripan, at isa sa pinaka mainit ngayon sa mga bulok naming pakana ay ang misteryosong EL Salute. Ano nga ba ang "L" salute na ito? tanong ng ilan. sa totoo lang walang eksaktong paliwanag ang salitang ito. Basta na lamang itong tumubo, at namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang ang El Salute version namin ay parang wala lang. Ipapatong mo ang kamay mo na ang mga daliri ay nasa porma ng letrang L sa noo, tapos lolokohin mo ang sarili mo na "L" salute na nga iyon at masaya kang makikigaya sa iba pang abnormal mong kaibigan na ka El salute din kahit hindi mo naman talaga alam ang eksakto mong ginagawa. HISTORICAL BACKGROUND kamakailan lang nag-simula ang grupo namin nila alex na ipa-laganap ang El saludo ( mag-bigay galang!!!) na alam naming ...