Marami talagang magagandang pangyayari ang madalas nagaganap sa ating mga paaralan. Nandiyan ang hirap sa projects, pag-ka badtrip sa mga Professors, cutting classes (kung minsan lang naman...), frienship bonding, sa akin... career na rin, lovelife?, dating..., labas-labas kasama ng friends, pakikipag socialize, hmmm... ano pa ba?, tsempre para matuto, matuto ng ka- walnghiyaan, ng pagka rebelde, ng pagka independent, ng pagka-liberated, ng maraming bagay about world..., ng pagiging wild, ng pagiging teenaged, ng mga kahenyuhan, ng mga bagong tuklas... (good or bad) wala tayong pake-alam. Dahil tayo ay nasa eskwelahan, malayo sa bahay, at sa maingay na bunganga ni Nanay; HOooOOpPs!!
OO naman, masaya, malungkot, nakaka-kilig 0 nakaka nLuv, pag-kabigo, tagumpay, sakripisyo at kaalaman,kaibigan, at ka-ibigan, sa eskwelahan natin yan mararanasan. Kaya nga bat pakiramdam ko eh... ayaw ko ng gumradewyt!!! sobrang nakakalungkot. Kahit na nga malayo pa yun. Minsan di ko maiwasan ang malungkot... matapos ang apat 0 limang taon ng pakikihamon, pag-dadaanan din natin ang kasukdulan ng mga ito. Gaano man kasaya o kalungkot, gaano man ito naging ka dali o kahirap, gaano man naging madugo ang laban o painless, di ito ang mahalaga, ang mahalaga... matatapos ito ng meron tayong natutuhan, ng may na bago sa ating pag-katao at tayo ay nadala na sa mga maling hakbang na hindi na sana nilagpasan, na tayo ay higit pang umunlad sa tulong ng ating mga insirasyon at pangarap... Maaaring ang mga panahon at ginugol nating oras sa loob ng paaralan ay magtapos na ano mang oras, pero ang tunay na hamon ng buhay ay nag-uumpisa pa lamang, Kaya salamat sa tanging lugar na humubog sa malaking parte ng ating pagka-tao.
Ang mga araw na mag-dadaan sa bawat taon natin sa paaralan ay dapat na ituring higit na kayamanan. Sapagkat di ito mapapalitan ni maibabalik pa ng kahit sinong santo dyan sa lugawan o ng mga psychologist diyan na aalamin ang pastlife mo at sasabihin pa na ikaw ay isang pharoh nung panahong kakagawa pa lang ng earth... kahit ilang ulit mong tanawin ang mga litrato ng friendships mo eh... hindi mo mapapagulong yan na parang slideshow kung slideshow man yan (eh hindi parin ikaw ang gugulong...) o di kaya eh panoorin mo man iyan ng paulit-ulit sa youtube, di niyan mapaparanas sayo ang sarap ng buhay... (iinggitin ka lang niyan sa pagbabalik tanaw)masuwerte tayong mga taong mayaman sa karanasan at kaalaman, dahil isa ito sa pinaka mahahalagang sangkap sa pag hubog ng isang tunay na tao sa darating na panahon ng mas malalaking paghamon.
Comments