AniLabs_29

"Its in the matter of Doing it or Not"

 
About GTCancel

Name: G.T Cancel
Home: Valenzuela, NCR, Philippines
About Me: Hi! Nothing too serious about me, Ill just having fun out of this eh.
See my complete profile
About Locke

Name: Alex Santiago
Home: Philippines
About Me: nice. simple. friendly. laid-back. procrastinator. apathetic. eats a lot. sleeps a lot. well, you get the picture.
See my complete profile
About ShadowPaul

Name: Galileo Gallego
Home: bulacan : region3 : Philippines
See my complete profile
About Damien_Godchild

Name: Abigail Perez
Home: Philippines
See my complete profile
Life @ Seventeen
1/21/08
Maybe crossing from our childhood days to facing bigger
responsibilities and living as a matured humanized individual is one of
the hardest part of our life, from our past experienced including
facing in a worry-free life up to awakening up with duties from everywhere
and facing more hard trials. Many of our youngsters tend to fail
facing real life due to coward ness and as a result we became rebellious and
aggressive, we became emotional, we feel that everything might harm or affect us
or with just a single event we easily feel frightened but if we will just wish to see
all those things have a simple reasons behind, things will be antiquated
if we will be more prudent and will bear wide understanding in every
situation, everything will be so easy and things will passed anyway.
There are a lot of good and hard things in life at seventeen.

I really did not expect that things would change when I'll enter this age, at first
everything runs through my expectations and old customs. The same job has been done,
going to school, jamming with my favorite gang, to spend, be happy being careless,
doing things that’s in, hanging with the youth of my age, to eat, to give white lies
to my mama, to escape from household chore as every same age does, do my hobbies
and vices and more but of course this is where I have experienced to enter in a
relationship. My life become meaningful since Galli becomes my man. I feel that I
am precious and I played a big role in his life, I thought it will be that easy
to live life with him not until we come up with this trial that widens my understanding
about life that shows me that I am now matured. My family doesn’t want Galli be
my future hubbie nor as my boyfriend of course it really hurts, after all we treated
each other significantly. By that time I realize that my decisions in here are really a matter. I’m now older, I know everything, I can now stand the difference between right and wrong. These are the reasons why life at seventeen is really different. The fact is to stand for your self alone.

It is not true that teenage becoming the societies epidemic, come to think of it, in this very age our knowledge and capacity of understanding widens, that you take duties and responsibilities inside the society where you belong, you’ll see the importance of your individuality and the real meaning of the world and life in a process, even we frequently get to be taken a back with most of the things, still we are in the place to learn, but sometimes emotions often get the advantage over our capacity to think and judge. What ever it is, you must remember that you can stop everything and time will comes that everything will gonna be alright, we shall be glad most of all before we enter the legal age that all of our thoughts and opinions are widely accepted and our decisions become the statue of our own policies and principles in life.

I remember some perceptions that one of my closest friend shared to me, he said that the age gap of 19 and 17 has a big difference even it is just 2 years of gap, it is enough for us to gain skill and experience and for us to learn everything about our self and attitudes deeply, and so 19 and 17 is not merely related. There are a lot of possibilities you can do in just a single time. One or two years more or even many years to spend, the value behind is that we are learning and growing and that we teach our self to and to ride in the journey of time and evolution.

We always got frightened to show our hidden thoughts, we don’t know how to reveal to everybody and into the whole world that we are now matured and we all have the rights and freedom. If we will just see that everything are getting clear because our outcome becoming careful enough to handle situations, that we criticize things as it has to be, we are more conscious and aware, that we value our self more than before thanks to our life at seventeen. Every seconds of our youthful life counts because time will come out of season and we know we can’t go back, so it’s not worthy to spend your youthfulness crying and wondering with no actions. We are human persons, whatever it is we always have the capacity to change and rule over the things.

In the next coming month of April 2008 I am now 18 years older, with no regrets and doubts. I know I had learned enough living in the past few years and I will continue to learn more. I’ll leave the childhood age with hope and experiences. This is where I need to start the real life, I only have to bear in my mind that each of my thoughts and opinions count and that my decisions is my own law to follow. Good bye childhood life and life of being dependent, I am just like everybody and it will be exciting to follow the next chapters in my life closely, but what ever I will passed through, what ever it will come out to be or what ever we will come out to be… lets admit it, there’s nothing exactly like life at seventeen!!!

Whoa!!!
Go April I Know you can do it!!!

Love lots,
My Self
posted by G.T Cancel @ 9:20 PM   3 comments
The El Salute
12/29/07
Grabe, ibang klase! wala na atang tatalo sa batch namin kung sa pag-papauso lang ng mga kabalbalan ang pag-uusapan, kami ang bida dun! Minsan hindi mo napapansin, dadating na lang ang araw na may isang bagay kaming masayang pinagtitripan, at isa sa pinaka mainit ngayon sa mga bulok naming pakana ay ang misteryosong EL Salute.

Ano nga ba ang "L" salute na ito? tanong ng ilan. sa totoo lang walang eksaktong paliwanag ang salitang ito. Basta na lamang itong tumubo, at namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang ang El Salute version namin ay parang wala lang. Ipapatong mo ang kamay mo na ang mga daliri ay nasa porma ng letrang L sa noo, tapos lolokohin mo ang sarili mo na "L" salute na nga iyon at masaya kang makikigaya sa iba pang abnormal mong kaibigan na ka El salute din kahit hindi mo naman talaga alam ang eksakto mong ginagawa.

HISTORICAL BACKGROUND

kamakailan lang nag-simula ang grupo namin nila alex na ipa-laganap ang El saludo ( mag-bigay galang!!!) na alam naming balang araw ay kikilalanin din ng saligang batas bilang ganap na simbolo ng kabanalan ng mga mahahalay. December, 2007 ng minsang nasa classroom ang buong BSIT/BSCS-II ng batch 07-08 ng SMA ay palihim na nagaganap ang isang meeting De Sagad habang nag-tuturo ng Seguridad pang makinang takbuhan ng programa at aplikasyon ang aming kyuti-kyut-kyut na prop. Sa mga oras ding iyon, nag-kakaisa ang ikot ng aming mga eye bols, lilinga-linga, titingin-tingin sa kung saan, tapos ay ngingiti, lilitaw ang maningning na ngiping may tinga pa ng chocomucho o di kayay bacconets. Ang ilang pigil tumawa o yung mga ayaw mabuking na mala PETRANG kabayo ang ngiti nila dahil sa kapal ng gilagid at mala kahoy na ngipin sa laki ay yuyuko na lang at palihim na pipihit ng di maampat na tuwa, may mga magtatakip ng panyo sa bibig, may sobrang kerengkeng na kikislot-kislot dahil sa di mapigil na kalandian dulot ng kasiyahan, at yung iba naman na hindi alam kung paano ilalabas ang ka-praningan eh, hahablutin ang buhok ng katabi, saka walang awa na iwawasiwas. Lahat ng uri ng ekspresyon na nag-papakita ng di mawaring kaligayahan ay nanduon sa tagpong iyon. Speaking of kaligayahan, ano nga ba yung bagay na nakapag-pasaya sa aming kwentuhan?

Well, anu pa nga ba? usapang... Hmn... Berde! siguro alam nyo na yun! bunsod na rin ng pag-kabagot namin sa karismatik naming prop eh hayun! at napagdskitahan nga namin ang ganung uri ng kwentuhan. Nag-umpisa iyon ng kalabitin ako nila melai sa tagiliran syempre leyt reaction ako.

Melai: (matapos sumundot) Tila baga napanawan ka na ng kiliti binibini?

April: (na-bigla) Hindi ko alam ang itinuturan nyo, paumanhin at marami akong ginagawa.

Melai: (hindi kumbinsido sa reaksyon ni april) kung iyong mamarapatin, manawang isalaysay mo saamin kung paano mong narating ang rurok ng kalangitan.

April: (pinipilit na panatilihin ang poise) pasensya na subalit hindi ko maintindihan ang gusto mong ipahiwatig, anong kinalaman ng kiliti sa kalangitan?

Eepal si Mylene sa Usapan

Mylene: Estupida! nag-mamalinis ka pa! hindi ngabat hinigop na ni Galileo ang lahat ng kuryente mo sa katawan datapwat narating mo ang langit dahil sagad ang iyong kahalayan?

April: (napipikon. labas na ang ugat sa ulo) Isa iyang kasinungalingan!!! akoy isang babaeng malinis! binibining kiti-kiti, diyatat masyadong matalim ang iyon dila! (tatayo sa kina-uupuan)

sa narinig, may maiisip si princess kaya sya ay sasabat na rin

Princess: (sesenyas ng El Salute) Hindi ako maka-paniwala april! ganung ka pala! ganun ka!

At duon na nag-simula ang pag-silang ng El Salute, Siguro alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng "L" sa El Salute.

O sige, iwanan natin ang makalumang usapin. Dumaan tayo sa bago at mainit na pang-yayari tungkol sa El saludo. Sa totoo lang eh hindi na sya sariwa, nangyari na sya nung December 20, 2007 kelan lang.

karugtong ng WAM ni Locke

Oo, sa maniwala kayo o hindi, na damay din ako sa kalandian ng eskwelahan namin, Gusto ko tuloy idik-dik sa sahig yung nag-pauso ng christmas party na 5 hours ang tagal tapos, walang kainan, bawal lumabas ng gym, bawal umihe, bawal umeksena sa gitna, walang ex-change gift, ang pa-geyms ay di kwela pero nakakasakit, bawal mag-tabi ang mag-Jowa, bawal mag-ingay kahit na gusto mo pang-magsaya, bawal kumurap. At eto>>> kelangan sumali ang mga 2nd year ITE sa larong nakakasakit kung hindi bagsak sa finals exam. HwuooH!! at talagang tigang na tigang na ako sa gutom. Ganun din siguro sila alex. Mga aalas-dos palang ng hapon, dumating na yung meal namin sa JOLEBE pero 5:30 na namin nakain. pag kuha ko ng parte ko, eh iyak-tawa lang ako sa tatag ng kapit ng spangheti sa styro at naalala ko yung kulubot na mukha ng lola ko sa tuhod ng makita ko yung hita ng manok (sumalangit nawa.)

Sobrang saya ko dahil halos patapos na ang devil party namin, habang hinihintay ang daring pictorials ng reyna ng kasukdulan na si sheena eh inumpisahan na namin ni alex ang pag-papalaganap sa L Salute.

GTCancel: Commanding Officer No.1 what is the essence of living?
Locke: Mam! The essence of living is to be-- (humahaba pa ang nguso) malilililililli.....voughe Mam!
GTCancel: Good! nga pala ano un B.J? (pa-inosente effect.)

On the way na kami sa bahay nila apple at malayo palang ay langhap na langhap ko na ang litson na may mansanas sa bibig, parang wi-niwelcome na kami nito. Puros kababalaghan ang mga tagpo sa loob ng isinumpang jeep dahil duon namin isi-nakatuparan ang tuluyang pagpapakilala sa L salute. L salute sa noo, dalawang el salute sa noo, El salute sa pagitan ng mga hita (beng!!!!) at kung san-san pa. Hayun at napagkasunduan nga namin ni alex na sumulat ng article tungkol dito, at batay sa mga nakalap kong impormasyon mula sa mga lehitimong staffers ibinigay nila ang kanilang mga plataporma:

• para pag-kaisahin ang mga mamayan
• para pairalin ang pagibig sa kahalayan...
• para kilalanin ng saligang batas bilang pambansang simbolo ng kahalayan
• para ilantad ang mga taong ayaw mag ladlad ng itinatagong animal sa kanilang mga kaluluwa
• upang himukin ang mga mapainosente effect na malaman ang tunay sa likod ng palda (bakit palda?)
• Peace on earth
• Upang gawing natural na liberal ang mga Mahihinhin o yung mga mahinhin-dutin

senyo, Happy 2008!!
posted by G.T Cancel @ 9:33 PM   2 comments
WAM (Wala Akong Magawa)
12/21/07
(Note: Lutang ako nung sinusulat ko to kaya churi na kung wala tong katorya-torya. At APPLE yung pictures ko hinihintay ko parin... Di ako nagpaparinig ah. Tenks.)

Eh... Ano nga ba? Natatabunan na ko ng mga articles ni GT Cancel kaya panahon na para mag-update ulit. Pero tae, puro hangin lang ang pumapasok sa kukote ko. "Lutang", ika nga ni Travex. Malay ko bang pagkatapos pa ng Christmas party kami pakakainin? Kung alam ko lang, di na sana ko nag-LM (Lugaw Mode). Shiet talaga! Magsaksak kayo!

Kahit compulsory o sapilitang pagtatrabaho ang naganap naming Christmas party, e masasabi kong nag-enjoy naman ako sa kakatawa sa mga di pinalad na mga nilalang na nagkalat sa mga parlor games. Mula sa mga nantatalong hanggang sa mga na "one-shot" ng itlog sa mukha, e sulit na sulit ang pinasok ko. Yun nga lang, kagaya ng dati, nuknukan ng haba ang naganap na program. Merong mga panahon habang nakaupo ako na gusto kong matulog o di kaya'y magkamot ng tumbong, pero dahil nga nasa harap ako ng madla e pinigilan ko na lang ang aking sarili.

Nang matapos ang party at naghahanda na kaming magpunta kila APPLE para sa kanyang debut e hinarang si Marimar ng isang lalake upang magpa-picture. Grabe bilib na talaga ko sa kanya, ibang klase talaga ang kamandag ng babaeng to! I salute you! Speaking of salute, nakaimbento ng bagong pauso si GT Cancel, ang L salute; isang patunay sa kanyang pagiging henya sa larangan ng makamundong hilig at pagnanasa. Pero yan nalang muna yung tungkol dun dahil gagawa daw siya ng article tungkol sa nasabing salute. Bago ko ipagpatuloy ang kwento ko tungkol sa debut ni APPLE, e magkaroon muna tayo ng recap tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Papaya Mania - sa utos ng aming english professor ay kinailangan namin magproduce ng isang music video ng song na papaya; isang pamosong song, na may pamosong dance moves. Bunsod na rin ng kahidhidan namin sa pera ay napagdesisyunan namin na subukang guamawa ng isang kakaibang video. Pero dahil sa matigas na balakang ni JJR, e hininto ang produksyon at nauwi sa drawing ang lahat. Kung gusto nyong makita ang raw version ng aming papaya music video, i-search nyo ang "loko lang", sa youtube.

Debut ni Princess - ang pinaka-unang debut ng classmate ko ngayon na aking napuntahan. Maraming putahe, may videoke, at may alak; ang tatlong sangkap sa isang matagumpay na pagdiriwang at ang pinaka-epektibong paraan upang magpakasaya. Isa sa mga di ko malilimutang pagdiriwang dahil dito ako unang lumusong sa isang fish pond.

Ballroom Dancing Part II - dahil di pa sapat ang kahihiyang inabot ko nung first year sa kamay ni Ma'am Copiaco, ay naisipan nyang ibalik ulit ang pamosong ballroom dancing sa aming syllabus. Para akong na-deja vu; nakita ko na naman ang mga nakakunot na noo ng mga kaklase ko, at ang mga mukhang sambakol na wari mo'y napagsukluban ng samu't-saring dumi mula sa imbornal... Para silang mga tinderang nalugi; galit at nagrereklamo. Na-assign ako sa ibang group kasama si Travex, dito rin namin na-developed ang aming FRS (Female Rating System) na based sa cartesian plane. Simple lang ang mechanics ng naturang sistema - hindi kagaya ng mga makalumang pamamaraan na kung saan hinusgahan ang katangian ng isang babae mula sa scale na 1-10, ang aming makabagong sistema ay base sa dalawang factor. Ang PF (Physical Factor) kung saan nirarate ang panlabas na anyo ng isang babae at ang BF (Bedroom Factor) na nagrarate naman sa performance ng isang babae sa kama. Basically, base sa nasabing factor kino-compute ang rating ng isang babae. Halimbawa, ang isang magandang babae na mukhang dalubhasa sa paglalaro sa kama, ang tinatawag naming double-positive (+, +) specimen ay nabibilang sa unang quadrant, ang mga magaganda naman ngunit mukhang hindi sanay sa sining ng kahalayan, yung tinatawag naming positive-negative (+, -) specimen ay nabibilang naman sa ikalawang quadrant, ang mga di pinalad, yung mga nasa ikatlong quadrant, ang tinatawag naming double-negative (-, -) specimen ay yung mga... okay di ko na itutuloy. Tapos ang huling quadrant, and negative-positive (-, +) quadrant ay ang kasalungat ng pangalawang quadrant.

NOTE: Ang naturang sistema ay unstable pa. Practice with care. Mahirap ng masampal, kayo rin... At isa pang dapat tandaan, ang FRS ay nabuo lamang dulot ng matinding pagkabagot. Alam namin na hindi tamang manghusga ng isang tao, lalo na base sa mga kababawang kagaya nito. Ito'y katuwaan lang sa pagitan ng mga mahahalay na magkakaibigan, yun at yun lang. No offense to the ladies. Trip trip lang.

Okay balik ulit tayo sa topic, yun nga na-assign kami sa ibang group, at okay na sana dahil malaki ang chance na makapareha ko si Girl-Next-Door dahil kung based lang sa height, e tyak bingo na ko. Kaso dahil sa kadaldalan namin ni Travex, e nabulilyaso ang plano ko dahil nalipat si Travex ng ibang group at nasira ang pairing. Shiettt!!! Pero at least hindi ako na HIC (Hell In a Cell) kagaya ng iba. Tsaka ko nalang ipapaliwanag yung HIC.

Para paikliin ang isang mahabang kwento, nagkaproblema kami sa pagpapractice pero sa di malamang dahilan ay nabigyan kami ng mataas na grado. Kaya masaya ako.

The Prospects - natural lang sa isang binata/dalaga ang magkaroon ng mga crush. Kaya naisipan kong magtanong-tanong kung sinu-sino ang mga prospects ng mga classmate ko. At kung paramihan lang ang usapan, e panalong-panalo na si ano.

Nagyong tapos na ang aking maikling recap, balik tayo sa birthday ni APPLE! Magdidilim na ng makarating kami kanila APPLE, at syempre dahil nga gutom parin ako pagkatapos ng Christmas party, e buo na ang isip kong magpakasasa sa kanyang mga handa... pero di pa man din ako nakakakalahati sa kinakain kong mga putahe, e bigla nalang akong nakaramdam ng isang masamang pangitain; sumakit ang tyan ko. Kaya yun, kagat labi akong naupo, at nakipaglaban sa aking tyan. Matira matibay... Uuwi ba ko, makikigamit ng CR, o maghahanap ng matataas na talahib upang ikubli ang aking kasalaulaan. Pero di ako nag-iisa, tatlo pala kami, yung una di kinaya at umuwi, kaming natirang dalawa ay nakatiis at di naglaon nakaramdam ng kaginhawaan ng humupa na ang pagta-tumbling ng aming mga bituka. Marami din akong natuklasan, kagaya ng nickname ni Abnormalites na APPLE, at ang scandal ni ano, at sino ba ang di mamangha sa makalaglag brief na singing voice ni Juana. Wow, di ko alam na magaling pala syang kumanta, as evident sa nakalaglag na panga ni AJ. Ng mag-uwian na, ay naisipan naming, mag-iskarsyon muna, kaya hinatid na muna namin sila Mylene at Princess. Ngayong alam ko na ang mga bahay nila, may pupuntahan na ko ngayong pasko... Grabe sumasakit na arthritis ko... Hanggang dito nalang muna ulit. Bago ako mamaalam e, heto muna ang listahan ng mga FUW (Frequently Used Words) ng ginagamit namin sa klase.

Machorya - mahilig sumabat o mahilig magdetalye ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

Lutang (Flying without wings) - isang taong parang naputukan ng kanyon; wala sa sarili

BJ - isang salitang may double meaning, pwedeng Buko Juice o Blow (censored)

SM - simpleng manyak; isang taong pa-virgin effect

Baho - pinausong expression ni Mylene Abilon

Magsaksak - pinausong expression ni GT Cancel

Mammoth - isang taong malaki at malapad, pinauso ni Travex

Yan nalang muna. Okay, see you later kids!
posted by Locke @ 2:43 AM   1 comments
Makateng-makate naaaa!!!!!
12/19/07
Hindi ko alam kung baket ako sumulat ngayon Bhushet!!! talagang na inspired lang ako na ibunyag ang kati na nararamdaman ko. Ito ay hindi lang basta panga-ngate pero ito ay isang kaka-ibang kati! Aaaaaa!!! grabe, ang kati! ang kate talaga! galis aso na ata ito... O hinde!!!, an-an??? wag din po!!!. "Hwuooh super! ah-ah...Oooohh.. ang katee!!! kamutin mo! oh! kamutin moo... yan...ha-ah..a-ang sarap...makati pa!!! waaaa!! kamutin mo pa!!! yan! yung mabilis-bilisan mOoo!! HwUoooh!!! ah!!aaaaaa!!! putangna mo MIng-meng!!! sunog na yung likod ko!!! Siyet!

Ang hirap pala ng may allergy ano? kagabi lang ang saya-saya ko. Ganda ng balat ko, ang kinis ng likod ko, ang cute ng abs ko, na muntik ng dumugo yung pusod ko sa kakasundot ko ng cotton buds, Wow ang radiant ng skin ko, Wow At amoy baby ako hehe..At woW! feeling ko lahat ng kalalakihan ay pa-pangaraping hagkan ang aking mala-dyosa at hwooh ang mala anghel kong katawan, at ako... ako ang pinaka maalindog na hayup sa balat ng malutong na litson, este sa balat ng lupa pala. Pero hindi ko akalaing tutubuan ako ng kung ano-anong halimaw sa katawan, nag-mukha tuloy buhangin ang dati'y mala-dyosa kong katawan. Sobra talagang kate!!! alam mo yun??? yun tipo bang gusto mo na ipakamot kay wolverin ang likod mo para sagad na sa langit ang sarap? at ngayon- hindi na ako talaga iinom o titikim ng kahit anumang uri ng alak-- dahil potsa! pinuputakti lang ako ng mga naka-panlalanding kati na ito.

Oo-- para nga akong kiti-kiting laot at parang bulateng tigang o parang palakang nakuryente. Ang hirap ipaliwanag pero bahala na kayong makiramdam. Sana na imagine nyo kung gano talaga kasarap ang mag ka allergy, ( Ayan, ayan na naman kumakati ulit... Oohh Oh.. Ah... ang kate nya... kamutin mo... yan... oh ang sarap... Oohhh haaa... sinong nanay mOohh.. ) Hanggang sa matapos ang entry ko na ito, talagang na-ngangate ako kaya sa oras na may pagkain kayo, o inumin na bawal sa inyo eh... try nyo parin. Para totally heaven, mararanasan mo ang killer CLIMAX sa kaka-kamot, na alam nyong umabot na kayo sa kasukdulan, gaya ko at ni sheena, Kapag sunog na ang balat nyo sa kaka-kamot, humahapdi na at wala na yung butlig at pantal pero paltos naman ang pumalit. Hay... pag-ka nga naman nag bisyo ka eh kelangan tanggap mo rin ang parusang kaakibat nito. Kung baga pag-tapos ng sarap ay hirap. Dahil sa pagiging inosente at mapusok ko-- eh talagang nadala na ako kaya di ko na kakayanin na lumaklak ng alak at ayoko ng tubuan ng kung ano-anong balakubak sa likod at tiyan. Eeeww!!!

Alam ko walang kwenta itong pinag-susulat ko, bayaan nyo at pag-katapos ng mahalay kong pag-bubunyag sa aking makating karanasan ay mamanata ako sa semana santa, lalakad ako sa bayan ng bulacan na pasan ang krus ng kalbario (pero wag na lang din at baka mag-kabungang araw naman ako) tapos minuminuto kong i-kukumpisal ang kasalanan ko ( sa inidoro ) Para po sa mga matitinong writer gaya ni locke, ipagpaumanhin nyo at nababoy ko ang inyong reputasyon at malinis na pangalan. Humihingi din ako ng tawad sa mga taong naka-basa nitong baboy, nakapan-hihilakbot at nakakasuyang article na ito na wala naman ibang ginawa kundi dumaing sa ka-katehan.

Para naman sa mga interesado, talentado at taranradong kamutero na pwedeng kumamot sa galis ko, este sa allergy pala, maaaring sumadya lamang po sa aming bahay aliwan. (may videoke kasi dun) at nag hihintay duon ang pisong bayad sa bawat pantal, na kakamutin nyo ng tig-iisan daang beses bawat isa. Bale may humigit kumulang 10,000 allergy ako dito. May 10,000 kayong sahod sa loob lang ng isang araw, yun nga lang 10 milyong beses nyong kakamutin ang mga galis ko nyehee.

So, what are you waiting for? The late you come, the more chances of pantal na pwede nyong kamutin.

Sige tama na nga ito. Hanggang dito na lang muna, salamat din sa malawak at matibay na sikmura... Lapit na pasko, tiyak mapapa-kain tayo ng husto, kaya payo ko lang sa inyo, Ingat lang sa mga kaka-inin natin!!! Hasta Mañana!!! VaVuuEklAVUoh.!!!
posted by G.T Cancel @ 2:50 AM   2 comments
KiLI-Kili Mo!!!
12/12/07
Ha!Ah!Ha!!! Malapit na ang bakasyon! pero si Locke bumibira parin. Pero kung may pikon man o defensive samin, tsempre hindi ako yun, wala kayong ebidensya!!! (mga P****na Nyo!)... Totoo nyan wala akong maisulat dito. Pero dahil natatabunan na ni Locke ang mga pang-Famas kong journal kelangan nako bumangon mula sa matagal na pananaginip ng tirik mata at tulo laway. Hayz marami na ang nag-bago mula ng medyo mapahiwalay na ako ng landasin sa mga mahahalay kong kaklase, meron na kasi akong ilaw at gabay ngayon, dahil sa pag-dating nya, lalo ko lang napatunayan na talagang iba ang level ng mga kaibigan ko pag-dating sa mga makamundong bagay. One day isang araw ng nasa hall way ako eh.. naka-salubong ko yung mga BSSM kong classmeyts (bachelor of science in shoe mart) nagulat ako kay Ma.Carmela Aquino( hindi ako mag-tatago ng pangalan para maging makatotohanan to!!! rakEnRol!!!)dahil sabi nya may nahuhulog daw na mansanas sa aking palda, nalungkot ako ng husto dahil hindi ko nagustuhan yung biro nya, kung bakit kasi mansanas pa yung nahuhulog eh pwede namang talong, o di kaya ay Upo. Hanggang ngayon palaisipan parin sakin ang mansanas sa spalda. Minsan naman... Binibigyang malisya ni Mylene Abilon ang pag-lalakad ko... bakit daw parang medyo naka-bukaka... siguro daw pasmado, PASMADO???? na-windang talaga ako sa mga pinag-sasabi nya... tapos naisip ko yung word na "kang-kang" medyo may-pagka exotic ang salitang ito at parang tunog hapon kaya naisip ko na gamitin sa sentence, in return dun sa sinabi nya eto ang sagot ko: " kaya ako parang naka-bukaka mag-lakad para READY TO KANG-KANG agad! " weyy!!! galing kong pag-haluhaluin ang mga words ano? may-tagalog na may english pa at may japanese.

At anong meron sa kilikiling walang kiliti??? o sa mataba at basang kili-kili?? na Makapal ang Buhok ni alex O. Santiago sa kili-kili. Na expose lagi ang kili-kili ko. At bakit maputi ang kili-kili ng mga taong gumagamit ng tawas at maasim ang kili-kili ng taong sik-sik liglig at umaapaw sa katabaan?. Hindi ko lang talaga alam kung anong meron sa mga kili-kili at paborito itong tampulan ng katatawanan. Eh bakit ang mga taong may-putok sa kili-kili eh iniisnab lang ng mga makakasalubong nya? Siguro nga marahil... unique ang kili-kili ng bawat isa sa atin, unique sa amoy-- iba-iba, may amoy bayabas, amoy sinigang na bayabas, amoy anghit, amoy bikong panis, amoy datu puti suka, amoy lupa ( fertilized soil ), amoy singit, amoy bagoong at kung-ano-ano pang amoy, iba-iba rin sa kulay, may kulay lumot, kuloy uling, kulay kabayo, kulay libag, kulay puti ( yung dirty white )at kulay burak, iba-iba rin sa texure ang mga kili-kili natin, may kili-kiling sing gaspang ng liha, merong sing lambot ng gelatin, tapos basa pa, may umaalog-alog na kili-kili at merong matatambok na kili-kili. at may kili-kiling alon-alon dahil sa kulani saka kulugo. Hayz.. tama na nga ang usapang UnderArm.

Ayan at talagang wala na akong maisip na kabal-balan, pero bago ako umalis... na-curious siguro kayo sa itsura ng kili-kili ni Alex ano??? Eto na ang surprise ko senyo!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
posted by G.T Cancel @ 11:06 PM   2 comments
Chronicles of Locke!
12/11/07
Dumating na naman sa ganito, na wala akong magawa... magawang matino! Kaya isasalaysay ko na lang sainyo ang mga nangyari sakin ngayong araw. Mag aalas-kwatro na ng madaling araw nung nakatulog ako. Ewan ko ba, pero di ko mapigilang magpakadalubhasa sa paglalaro ng... computer games! Anim na taon na ata akong nahuhumaling sa bisyo na to pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasawa-sawa. Kung sa bagay ano pa nga naman ba ang pwede kong gawin dito sa bahay maliban sa mang-asar at magreklamo? Maliban dun, pwede siguro akong... mag-aral? (no thanks!), kumain at matulog? (nakakasuya na!), maglinis? (baka lagnatin lang ako!)

Yun nga puyat na naman ako dahil sa walang katorya-toryang bagay, isinet ko ng 7 ang alarm ng cel ko pero dahil sa sobrang antok ko siguro e hindi ko napansin na PM yung nalagay ko. Kaya yun dumire-diretso ang tulog ko. Nagising ako ng 10 (ata), bumangon, tapos nagreklamo na walang gumising sakin at dahil ayaw ako itimpla ng kape ng mga tao dito. Kaya napilitan akong magtimpla ng sarili ko. Pero may bago akong nadiscover, may bagong creamer! At a e, ang talap! Tapos pagkatapos nun, umupo muna ko ng 30 minutes, di na ko kumain, la kasi akong gana sa umaga... Maliligo na sana ko nung mapansin kong wala ng sabon kaya yun bumili muna ko sa tindahan, and as usual, binulsa ko yung sukli. Tapos un, naligo, nagsipilyo, at sumibat na papuntang school. Nung malapit na ko sa kanto namin, nakaabang na naman yung mga madudupang na tricycle driver. katorse lang daw, lalakad na... e ilang hakbang nalang, nasa kanto na ko. Maraming dumadaan dun na tricycle, papara ka na lang at siyete lang syempre ang bayad. Minsan naiisip ko kung sadya nga bang madudupang lang sila na kahit araw-araw ko silang tinatanggihan, e paulit-ulit pa rin nila kong kinukulit o di naman kaya may mga nag-papauto lang talaga sa kanila? Ewan.

11:45 na ng makarating ako sa school, nasa klase pa yung iba kaya naghintay na lang ako sa library. Maya-maya pa, pinalabas na rin sila at yun nag-lunch na kami. Sabi nila required daw na magbigay ng isang evap at asukal para sa outreach kinabukasan. Naisip ko... "Nanaman?! E kakabigay ko lang ng keso ah!", kaya yun di na ko bumili, naisip ko lokohan na naman to. Nung nakaraan keso, ngayon evap at asukal? Ano kami, gagawa ng salad?! Naisip ko rin na malamang, hindi lang naman ako yung nag-iisang hindi magbibigay. Tyak ko si Aeron, hindi rin magbibigay. Kasi kung kuripot ako at garapal, di hamak naman na mas malupit sakin yun. Pero ang bilis nga naman magbago ng panahon, paunti na ng paunti ang mga balasubas sa mundo. Akalain mo ba naman nung biniro ko kung gusto nyang bumili, e pumayag. Kaya yun... Buti nalang pwede pala ang sardinas, pero tatlo nga lang, pero nagpanggap na lang kami na dalawa lang yung sinabi samin sa pag-aakalang mas makakamura kami, at napamura nga kami! Ang layo kasi ng nilakad namin para lang makabili ng sardinas. At kung tutuusin, sumatotal ganun din naman ang ginastos namin.

Ang topic namin ngayong araw ay tungkol sa water-gun at hydro-pump attack na umaabot sa humigit kumulang isang metro mula sa mamasa-masang source. Nung "aksidente" kong nakita yung trick na yun, ay hindi ako makapaniwala... sumisirit pa! Tsk, tsk... that only proves na sadyang agresibo ang mga amazona, pero ayaw lang nila magpahalata, mga SM! Pero hindi ako kumbinsido, kaya tinanong ko si ano... itago na lang natin sya sa pangalang Inday, kung totoo nga ba ang rebelasyon na aming nasiwalat. At ang sagot nya...?

"Uy! Ano ka?! Hindi kaya totoo yun!!"

Bwahahaha! Experienced? Malalaman din natin yan. Hmm... Ang bilis nagdaan ng mga oras, ganun lang siguro pag nasa computer lab ka na may aircon. Para bang ayaw mo pang umalis kahit pinapalayas ka na ng prof mo dahil may susunod pang magkaklase. Sabi nila laos na raw ang promi, ibig sabihin P2P (Pay 2 have Prelim exams) na ang estilo ngayon. Dyahe. Eto na naman po kami. Hirap bago sarap... Sasakit muna ulo namin dahil sa tuition at sa exams bago ang pinakananabikang Christmas vacation. Ah... Christmas vacation... panahon ng puyatan, puto-bumbong, mga nagmimilagrong magsyosyota pag simbang gabi, panahon upang mamasko at pagtaguan ng mga taong pinilit lang ng mga magulang mo upang magsilbing ninong/ninang mo, at syempre libreng paputok mula sa mga kapitbahay nyong bata na malakas magsunog ng pera pero takot masunugan ng bahay o di naman kaya ay maputulan ng daliri. Ang sabi ng iba, pang-uuto lang daw yun ng mga bata pero di lang nila alam na likas lang talaga sa mga Bulakeno, lalo na yung mga mababait na kagaya ko ang magmalasakit sa kanilang kapwa. Alien ba tayo dyan mga kapatid? Nung pauwi naman, kinapos ng piso yung barya ko kaya hinuthutan ko si Jackilyn. Tapos nung nakakita pa ako ng barbecue, e nilubos-lubos ko na. Paminsan-minsan lang naman e. (Pero hopefully dadalas na) Hahaha! Tenks Jacko!

Ok eto nalang muna sa ngayon. Mag-update kayo G.T. Cancel and co.! Advance Merry Christmas and a Happy New Year to me! Tumatanggap ako ng gift as in gift check, pero mas ok kung yung sa SM nalang para malapit. Gift, ok lang din... pero kung alkansya lang ang laman, e pupunuin ko ng bato yun at ipupukol sa inyo! Syempre cash in any denomination greater than 500 pesos is welcome. Kung ako sa inyo wag na kayong maghintay ng pasko, busy kasi ako at isa pa tumatanggap na naman ako ngayon. Kaya sige lang ng sige. The more you give, the happier I get. May chance pa kayong makausap at mapasalamatan ko. Ang saya diba?
posted by Locke @ 6:25 PM   1 comments
Resbak
10/15/07
Dahil inuna na ni G.T. Cancel kaming mga kalalakihan, e hindi naman yata tamang manahimik nalang ako at magwalang bahala. Kaya kung baga, bilang ganti sa mga kahalayang kanyang ibinunyag, ako naman ang maglalabas ng mga anghit nila. Sa dinami-dami ng mga taong nakilala ko, masasabi kong isa na siguro sa pinaka-malalakas humithit ng katol ang mga kaklase ko. Pero dahil nga sem break na naman at malamang ang iba sa amin ay mamamaalam na (parang patay lang e noh?), e titinuan ko na lang tong entry na to.

Simulan natin kay:

Abi

Abi - para tong panahon, pabago-bago ng klima. Minsan okay lang tapos magugulat ka na lang may sapi na. At kung anu-ano ng lengwahe ang binabanggit. Ang may-ari ng infectious laptop; lungga ng mga kilabot na viruses na nasagap nya mula sa pagba-browse ng **** sa internet at yung mga nakuha nya sa ibang workstation sa comp. lab at mga pc rental shops sa labas. Hi ate! Pero sa tingin ko, misunderstood lang sya. Kailangan nya lang sigurong matutong makihalubilo sa ibang tao. Pero sa mga nakikita ko, e okay na ang timpla nya ngayon. Hindi mainit, pero di rin malamig; parang wala lang. Hahaha! Pero bukod sa may saltik sya; isang bagay na common sa klase namin. E mapagbigay naman tong batang to at willing naman syang tumulong sa iba, minsan kahit ayaw nya. Ang laki ng naitulong nya sa paggawa-gawa ng projects. Kaya Abi... magreformat ka na.

Aileen

Aileen - ang donya ng SM department store. Makikita mo syang palibot-libot sa SM na may suot na gintong sandalyas at with matching pamaypay pa. Kaklase ko lang sya sa 2 subjects pero nakarehistro na sya sa aming samahan. Mahusay sa econ; isa sa kakaonting pumapasa sa mga subjects nya na hindi nanggagarapal. Mabait at friendly, hindi siya mahirap pakisamahan. Hindi mo aakalain pero magaling pala syang kumanta, yung tipong talagang gusto mong batuhin para lang tumahimik... joke lang. Pero di nga, magaling talaga sya, as evident sa pagsali-sali nya sa iba't-ibang contest. Malagay nga dito yung pictures nya. Wahahaha!

April

April - a.k.a. BatangTagaBisig, isang palayaw na hindi ko na gets nung umpisa pero ngayon ay malinaw na malinaw na sa akin -- isipin nyo ah, si April - parang bata, neneng-nene sa unang tingin pero hindi nyo lang alam ay Guru yan sa mga makamundong mga bagay. At ngayon ay nasa bisig na sya ni Galli, ang kanyang nilalangaw, este nilalangit. Hahaha! Isang batikang chismosa at manlalait, isa sya sa mga taong nakakapantay sa antas ng aking kakayahan sa pang-aasar at pangtitrip. Isa to sa mga taong masaya kasama dahil open sya sa lahat ng bagay at nakakatanggap sa mga pagbibiro. Isang kakaibang babae, sa sense na mas maraming online games pa atang sinalihan to kaysa sa amin. Magaling din tong mag-drawing, mula sa mga nude paintings hanggang komiks, yakang-yaka nito. Siya rin yung espiya namin sa library, tigahiram ng mga libro at tagapagmasid sa incubator.

Fatima

Fatima - ang siga ng klase, mula sa pambabara kay Sheena hanggang sa pagpaparating ng kanyang mga sentimyento sa PH, bibilib ka sa lakas ng loob nito. Ang pinaka-accessible sa lahat ng mga kaklase ko since malapit-lapit lang ang bahay nya mula sa amin. Ang paborito kong hiraman ng kung anu-anong bagay. Batikang ex-crew ng mga foodchains, expert na siya sa panglilimas ng mga products habang nagtatago sa loob ng cooler. Ang mga paborito nyang linya ay 'ka dyan!' at 'yabang!'. Ito na siguro ang pinakamahusay sa pantitrip at pang-aasar. Isang pro.

Inna

Inna - ayon kay Allan, ang exact replica ni Maria Flor de Luna. Ang namumukod tanging may dugong intsik beho sa aming klase. Ang minsan ay naturingan kong immoral dahil sa pagsusuot ng maiikling palda. Eto yung taong, bukod sa bagong Jasper ay mapaspasan lang ng hangin ay nakangiti na. Needless to say, friendly sya at madaling lapitan. Maaasahan sa lahat ng pangangailangan. -- Wala kang pera? Andyan si Inna! Wala kang baon? Andyan si Inna! Wala kang panti? Andyan si Inna? Pero kung wala kang girlfriend? sus! Sori pero di na raw siya available. Ayun sa aking mga sources, huli syang nakita sa SM kasama ang kanyang *censored*. Kaya boys and lesbians, fuck off! Hahaha, joke lang. Sabi nya lilipat na siya, kaya mamimiss ko tong babaeng to. Tandaan mo san ka man mapunta... wag kang makakalimot bumili ng sabon kay Jasper.

Maruja

Maruja - a.k.a. Juana -- ang female version ni Juan tamad ayon kay Mylene. Lagi siyang present sa mga MCS activities every wednesday. Ang nilalangaw ni All**. Ang tinaguriang 'crush ng bayan' -- walang nakakalusot sa alindog ng babaeng to, mula sa service crew hanggang security guard, lahat nahuhumaling sa kanya. Ang namumukod-tanging may sundo sa klase, na amin na ring sinasamantala upang makatipid ng 6 na pisong pasahe sa jeep. Isang babaeng sa unang tingin ay wari mo'y isang Maria Clara -- larawan ng isang dalagang filipina. Pero may tinatago din namang syang kakalogan sa katawan. SM kung baga, simpleng-M, bahala na kayong magdugtong. Pero syempre kagaya ng iba kong kaklase mabait din naman to.

Melai

Melai - ang lakamkiki ng IT. Madalas kong kasabay umuwi. Mabait, friendly, understanding, sweet and charming (ako naman sinungaling)... Wahahaha joke lang. Masaya syang kasama, nakakasabay sa lahat ng biruan namin sa klase. Bukod pa ron ay sya yung madalas kong kasama sa mga pictures. Photogenic kase kagaya ko. Maasahan yan pag kailangan mo ng tulong. Pautang naman oh!

Mylene

Mylene - ang dyosa ng kahalayan. Swift and accurate, siguradong mahahablot nya ang itlog mo kahit saang sulok ka man ng mundo magtago. Isang propesyonal na dancer na wari mo'y nakalunok ng isang toneladang butete sa tindi ng kanyang pagkembot. Isa sa pinakamaboka sa klase, walang tsismis ang nakakalagpas sa kanyang radar. Isa pa sa mga taong pumapantay o kundi humigit pa sa kakayahan ko sa pantitrip at pang-aasar. Gifted child. Masaya siya kasama. Yung tipong, kung di lang nakakabit sayo yung bayag mo ay maiiwan mo dahil sa ganda ng kanyang mga kwento. Mabait din naman tong babaeng to. Sa kasalukuyan ay nalilink sya kay ano, na pilit naman nyang itinatanggi. Isa sa mga ka-sparring ko, may technique na crouching tiger sucking dragon. Ang araw-araw na sinisigawan ko na walang pambayad pag sasakay ng jeep. But in fairness, galante to biruin mo ba namang mag donate ng pc sa school?!

Sheena

Sheena - a.k.a. Marimar, isang unat na babaeng bigla na lamang nagpakulot nung simula ng finals sa noon ay di malamang dahilan (pero ngayon alam na namin). Ang favorite alaskahin ng buong BSIT-2 -- mula sa walang prenong pang-aalipusta at pang-aasar hanggang sa paninira ng bag, lahat na ata ng hirap, ay naiparanas na namin sa kanya, ngunit nanatili syang matatag, isang masohista; nakakakuha sya ng kasiyahan mula sa sakit at pasakit... joke lang. Okay seryoso na. Bukod sa batu-bato nyang paninindigan, ay mahusay sa pagtatalumpati ang babaeng ito. Matalinaw sa klase, laging matataas ang marka nito sa class card minus siguro yung grade nya sa PE nung prelims. Mabait at madaling lapitan. Madaling mahuhulog ang salawal mo sa kanya. Hahaha!

Dyan nagtatapos ang pagpapakilala ko sa mga endangered species ng aming klase. Kung meron kayong simbuyo o sama ng loob ay wag kayong magatubili, at kimkimin nyo nalang yan sa kaloob-looban ng inyong ***. Hinde, joke lang. Okay, see you later kids!
posted by Locke @ 6:40 AM   3 comments
Welcome
Welcome boys and girls! You have stumbled upon Anilabs; a weblog created by G.T. Cancel along with her demented friends for recreational ramblings and to serve as an emotional exhaust of sort. Please relax and enjoy your stay.
Previous Post
Archives
Links
Tagboard

Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER