Skip to main content

Resbak

Dahil inuna na ni G.T. Cancel kaming mga kalalakihan, e hindi naman yata tamang manahimik nalang ako at magwalang bahala. Kaya kung baga, bilang ganti sa mga kahalayang kanyang ibinunyag, ako naman ang maglalabas ng mga anghit nila. Sa dinami-dami ng mga taong nakilala ko, masasabi kong isa na siguro sa pinaka-malalakas humithit ng katol ang mga kaklase ko. Pero dahil nga sem break na naman at malamang ang iba sa amin ay mamamaalam na (parang patay lang e noh?), e titinuan ko na lang tong entry na to.

Simulan natin kay:

Abi

Abi - para tong panahon, pabago-bago ng klima. Minsan okay lang tapos magugulat ka na lang may sapi na. At kung anu-ano ng lengwahe ang binabanggit. Ang may-ari ng infectious laptop; lungga ng mga kilabot na viruses na nasagap nya mula sa pagba-browse ng **** sa internet at yung mga nakuha nya sa ibang workstation sa comp. lab at mga pc rental shops sa labas. Hi ate! Pero sa tingin ko, misunderstood lang sya. Kailangan nya lang sigurong matutong makihalubilo sa ibang tao. Pero sa mga nakikita ko, e okay na ang timpla nya ngayon. Hindi mainit, pero di rin malamig; parang wala lang. Hahaha! Pero bukod sa may saltik sya; isang bagay na common sa klase namin. E mapagbigay naman tong batang to at willing naman syang tumulong sa iba, minsan kahit ayaw nya. Ang laki ng naitulong nya sa paggawa-gawa ng projects. Kaya Abi... magreformat ka na.

Aileen

Aileen - ang donya ng SM department store. Makikita mo syang palibot-libot sa SM na may suot na gintong sandalyas at with matching pamaypay pa. Kaklase ko lang sya sa 2 subjects pero nakarehistro na sya sa aming samahan. Mahusay sa econ; isa sa kakaonting pumapasa sa mga subjects nya na hindi nanggagarapal. Mabait at friendly, hindi siya mahirap pakisamahan. Hindi mo aakalain pero magaling pala syang kumanta, yung tipong talagang gusto mong batuhin para lang tumahimik... joke lang. Pero di nga, magaling talaga sya, as evident sa pagsali-sali nya sa iba't-ibang contest. Malagay nga dito yung pictures nya. Wahahaha!

April

April - a.k.a. BatangTagaBisig, isang palayaw na hindi ko na gets nung umpisa pero ngayon ay malinaw na malinaw na sa akin -- isipin nyo ah, si April - parang bata, neneng-nene sa unang tingin pero hindi nyo lang alam ay Guru yan sa mga makamundong mga bagay. At ngayon ay nasa bisig na sya ni Galli, ang kanyang nilalangaw, este nilalangit. Hahaha! Isang batikang chismosa at manlalait, isa sya sa mga taong nakakapantay sa antas ng aking kakayahan sa pang-aasar at pangtitrip. Isa to sa mga taong masaya kasama dahil open sya sa lahat ng bagay at nakakatanggap sa mga pagbibiro. Isang kakaibang babae, sa sense na mas maraming online games pa atang sinalihan to kaysa sa amin. Magaling din tong mag-drawing, mula sa mga nude paintings hanggang komiks, yakang-yaka nito. Siya rin yung espiya namin sa library, tigahiram ng mga libro at tagapagmasid sa incubator.

Fatima

Fatima - ang siga ng klase, mula sa pambabara kay Sheena hanggang sa pagpaparating ng kanyang mga sentimyento sa PH, bibilib ka sa lakas ng loob nito. Ang pinaka-accessible sa lahat ng mga kaklase ko since malapit-lapit lang ang bahay nya mula sa amin. Ang paborito kong hiraman ng kung anu-anong bagay. Batikang ex-crew ng mga foodchains, expert na siya sa panglilimas ng mga products habang nagtatago sa loob ng cooler. Ang mga paborito nyang linya ay 'ka dyan!' at 'yabang!'. Ito na siguro ang pinakamahusay sa pantitrip at pang-aasar. Isang pro.

Inna

Inna - ayon kay Allan, ang exact replica ni Maria Flor de Luna. Ang namumukod tanging may dugong intsik beho sa aming klase. Ang minsan ay naturingan kong immoral dahil sa pagsusuot ng maiikling palda. Eto yung taong, bukod sa bagong Jasper ay mapaspasan lang ng hangin ay nakangiti na. Needless to say, friendly sya at madaling lapitan. Maaasahan sa lahat ng pangangailangan. -- Wala kang pera? Andyan si Inna! Wala kang baon? Andyan si Inna! Wala kang panti? Andyan si Inna? Pero kung wala kang girlfriend? sus! Sori pero di na raw siya available. Ayun sa aking mga sources, huli syang nakita sa SM kasama ang kanyang *censored*. Kaya boys and lesbians, fuck off! Hahaha, joke lang. Sabi nya lilipat na siya, kaya mamimiss ko tong babaeng to. Tandaan mo san ka man mapunta... wag kang makakalimot bumili ng sabon kay Jasper.

Maruja

Maruja - a.k.a. Juana -- ang female version ni Juan tamad ayon kay Mylene. Lagi siyang present sa mga MCS activities every wednesday. Ang nilalangaw ni All**. Ang tinaguriang 'crush ng bayan' -- walang nakakalusot sa alindog ng babaeng to, mula sa service crew hanggang security guard, lahat nahuhumaling sa kanya. Ang namumukod-tanging may sundo sa klase, na amin na ring sinasamantala upang makatipid ng 6 na pisong pasahe sa jeep. Isang babaeng sa unang tingin ay wari mo'y isang Maria Clara -- larawan ng isang dalagang filipina. Pero may tinatago din namang syang kakalogan sa katawan. SM kung baga, simpleng-M, bahala na kayong magdugtong. Pero syempre kagaya ng iba kong kaklase mabait din naman to.

Melai

Melai - ang lakamkiki ng IT. Madalas kong kasabay umuwi. Mabait, friendly, understanding, sweet and charming (ako naman sinungaling)... Wahahaha joke lang. Masaya syang kasama, nakakasabay sa lahat ng biruan namin sa klase. Bukod pa ron ay sya yung madalas kong kasama sa mga pictures. Photogenic kase kagaya ko. Maasahan yan pag kailangan mo ng tulong. Pautang naman oh!

Mylene

Mylene - ang dyosa ng kahalayan. Swift and accurate, siguradong mahahablot nya ang itlog mo kahit saang sulok ka man ng mundo magtago. Isang propesyonal na dancer na wari mo'y nakalunok ng isang toneladang butete sa tindi ng kanyang pagkembot. Isa sa pinakamaboka sa klase, walang tsismis ang nakakalagpas sa kanyang radar. Isa pa sa mga taong pumapantay o kundi humigit pa sa kakayahan ko sa pantitrip at pang-aasar. Gifted child. Masaya siya kasama. Yung tipong, kung di lang nakakabit sayo yung bayag mo ay maiiwan mo dahil sa ganda ng kanyang mga kwento. Mabait din naman tong babaeng to. Sa kasalukuyan ay nalilink sya kay ano, na pilit naman nyang itinatanggi. Isa sa mga ka-sparring ko, may technique na crouching tiger sucking dragon. Ang araw-araw na sinisigawan ko na walang pambayad pag sasakay ng jeep. But in fairness, galante to biruin mo ba namang mag donate ng pc sa school?!

Sheena

Sheena - a.k.a. Marimar, isang unat na babaeng bigla na lamang nagpakulot nung simula ng finals sa noon ay di malamang dahilan (pero ngayon alam na namin). Ang favorite alaskahin ng buong BSIT-2 -- mula sa walang prenong pang-aalipusta at pang-aasar hanggang sa paninira ng bag, lahat na ata ng hirap, ay naiparanas na namin sa kanya, ngunit nanatili syang matatag, isang masohista; nakakakuha sya ng kasiyahan mula sa sakit at pasakit... joke lang. Okay seryoso na. Bukod sa batu-bato nyang paninindigan, ay mahusay sa pagtatalumpati ang babaeng ito. Matalinaw sa klase, laging matataas ang marka nito sa class card minus siguro yung grade nya sa PE nung prelims. Mabait at madaling lapitan. Madaling mahuhulog ang salawal mo sa kanya. Hahaha!

Dyan nagtatapos ang pagpapakilala ko sa mga endangered species ng aming klase. Kung meron kayong simbuyo o sama ng loob ay wag kayong magatubili, at kimkimin nyo nalang yan sa kaloob-looban ng inyong ***. Hinde, joke lang. Okay, see you later kids!

Comments

G.T Cancel said…
Grabe alex... daig ko pa ang nag babasa ng totoong Funny Book Ibang klase ang kahibangan mo!!! to the highest level. Kakahiya naman yung ginbawa ko, wala pa sa pwet mo. Grabe D best!!! sarap basahin habang nagkakape. Naka-nganga nako. pinasukan ng langaw kakatawa
Locke said…
hahaha! okay ba? sabi ko naman sayo, kakaririn ko to e. hehe, basta lagay lang tayo ng lagay dito para may magawa tau ngaung sem break. kita-kits nalang next sem.^^
G.T Cancel said…
UU, nga pala, papasok ka pa ha!!! ung Pag Iinarte mo nung nasa MOA tau tigil mo na yun ha!!! Yung kunwaring Leave s skul Churvanesz mo!!!! heheh, di ako ganong makasulat ngayon medyo Bisibisihan... ang hermana Mayora!!!

Popular posts from this blog

Why We Had This Stupid Days?

People always seem to find a good days to make fun of. Nevertheless, we usually gone for something we are not sure of. We pretend to be happy with everything we work and we get busy with, but the meaning isn't there and sometimes we know it that we do nothing but just a matter of lame. I have to admit that I had spend my days for lust. I make my self busy doing unimportant things, and I think that is because I'm here as a teenage lost in nowhere. As I pass through many days, I'm starting to realize how I became a piece of junk dragged to streets of junkies. I'm starting to stop doing things which I ought to do for many times. Many times with just the same folks and folklores of endlessness myths. I hate doing things allover but then I didn't get to discover this for many times I played every games. And now how I wish to call for something meaningful more relevant and full of sense... Until I didn't have this meaningful thing I wouldn't stop asking why? and w

The El Salute

Grabe, ibang klase! wala na atang tatalo sa batch namin kung sa pag-papauso lang ng mga kabalbalan ang pag-uusapan, kami ang bida dun! Minsan hindi mo napapansin, dadating na lang ang araw na may isang bagay kaming masayang pinagtitripan, at isa sa pinaka mainit ngayon sa mga bulok naming pakana ay ang misteryosong EL Salute. Ano nga ba ang "L" salute na ito? tanong ng ilan. sa totoo lang walang eksaktong paliwanag ang salitang ito. Basta na lamang itong tumubo, at namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang ang El Salute version namin ay parang wala lang. Ipapatong mo ang kamay mo na ang mga daliri ay nasa porma ng letrang L sa noo, tapos lolokohin mo ang sarili mo na "L" salute na nga iyon at masaya kang makikigaya sa iba pang abnormal mong kaibigan na ka El salute din kahit hindi mo naman talaga alam ang eksakto mong ginagawa. HISTORICAL BACKGROUND kamakailan lang nag-simula ang grupo namin nila alex na ipa-laganap ang El saludo ( mag-bigay galang!!!) na alam naming

Life @ Seventeen

Maybe crossing from our childhood days to facing bigger responsibilities and living as a matured humanized individual is one of the hardest part of our life, from our past experienced including facing in a worry-free life up to awakening up with duties from everywhere and facing more hard trials. Many of our youngsters tend to fail facing real life due to coward ness and as a result we became rebellious and aggressive, we became emotional, we feel that everything might harm or affect us or with just a single event we easily feel frightened but if we will just wish to see all those things have a simple reasons behind, things will be antiquated if we will be more prudent and will bear wide understanding in every situation, everything will be so easy and things will passed anyway. There are a lot of good and hard things in life at seventeen. I really did not expect that things would change when I'll enter this age, at first everything runs through my expectations and old customs. The