Skip to main content

Chronicles of Locke!

Dumating na naman sa ganito, na wala akong magawa... magawang matino! Kaya isasalaysay ko na lang sainyo ang mga nangyari sakin ngayong araw. Mag aalas-kwatro na ng madaling araw nung nakatulog ako. Ewan ko ba, pero di ko mapigilang magpakadalubhasa sa paglalaro ng... computer games! Anim na taon na ata akong nahuhumaling sa bisyo na to pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kasawa-sawa. Kung sa bagay ano pa nga naman ba ang pwede kong gawin dito sa bahay maliban sa mang-asar at magreklamo? Maliban dun, pwede siguro akong... mag-aral? (no thanks!), kumain at matulog? (nakakasuya na!), maglinis? (baka lagnatin lang ako!)

Yun nga puyat na naman ako dahil sa walang katorya-toryang bagay, isinet ko ng 7 ang alarm ng cel ko pero dahil sa sobrang antok ko siguro e hindi ko napansin na PM yung nalagay ko. Kaya yun dumire-diretso ang tulog ko. Nagising ako ng 10 (ata), bumangon, tapos nagreklamo na walang gumising sakin at dahil ayaw ako itimpla ng kape ng mga tao dito. Kaya napilitan akong magtimpla ng sarili ko. Pero may bago akong nadiscover, may bagong creamer! At a e, ang talap! Tapos pagkatapos nun, umupo muna ko ng 30 minutes, di na ko kumain, la kasi akong gana sa umaga... Maliligo na sana ko nung mapansin kong wala ng sabon kaya yun bumili muna ko sa tindahan, and as usual, binulsa ko yung sukli. Tapos un, naligo, nagsipilyo, at sumibat na papuntang school. Nung malapit na ko sa kanto namin, nakaabang na naman yung mga madudupang na tricycle driver. katorse lang daw, lalakad na... e ilang hakbang nalang, nasa kanto na ko. Maraming dumadaan dun na tricycle, papara ka na lang at siyete lang syempre ang bayad. Minsan naiisip ko kung sadya nga bang madudupang lang sila na kahit araw-araw ko silang tinatanggihan, e paulit-ulit pa rin nila kong kinukulit o di naman kaya may mga nag-papauto lang talaga sa kanila? Ewan.

11:45 na ng makarating ako sa school, nasa klase pa yung iba kaya naghintay na lang ako sa library. Maya-maya pa, pinalabas na rin sila at yun nag-lunch na kami. Sabi nila required daw na magbigay ng isang evap at asukal para sa outreach kinabukasan. Naisip ko... "Nanaman?! E kakabigay ko lang ng keso ah!", kaya yun di na ko bumili, naisip ko lokohan na naman to. Nung nakaraan keso, ngayon evap at asukal? Ano kami, gagawa ng salad?! Naisip ko rin na malamang, hindi lang naman ako yung nag-iisang hindi magbibigay. Tyak ko si Aeron, hindi rin magbibigay. Kasi kung kuripot ako at garapal, di hamak naman na mas malupit sakin yun. Pero ang bilis nga naman magbago ng panahon, paunti na ng paunti ang mga balasubas sa mundo. Akalain mo ba naman nung biniro ko kung gusto nyang bumili, e pumayag. Kaya yun... Buti nalang pwede pala ang sardinas, pero tatlo nga lang, pero nagpanggap na lang kami na dalawa lang yung sinabi samin sa pag-aakalang mas makakamura kami, at napamura nga kami! Ang layo kasi ng nilakad namin para lang makabili ng sardinas. At kung tutuusin, sumatotal ganun din naman ang ginastos namin.

Ang topic namin ngayong araw ay tungkol sa water-gun at hydro-pump attack na umaabot sa humigit kumulang isang metro mula sa mamasa-masang source. Nung "aksidente" kong nakita yung trick na yun, ay hindi ako makapaniwala... sumisirit pa! Tsk, tsk... that only proves na sadyang agresibo ang mga amazona, pero ayaw lang nila magpahalata, mga SM! Pero hindi ako kumbinsido, kaya tinanong ko si ano... itago na lang natin sya sa pangalang Inday, kung totoo nga ba ang rebelasyon na aming nasiwalat. At ang sagot nya...?

"Uy! Ano ka?! Hindi kaya totoo yun!!"

Bwahahaha! Experienced? Malalaman din natin yan. Hmm... Ang bilis nagdaan ng mga oras, ganun lang siguro pag nasa computer lab ka na may aircon. Para bang ayaw mo pang umalis kahit pinapalayas ka na ng prof mo dahil may susunod pang magkaklase. Sabi nila laos na raw ang promi, ibig sabihin P2P (Pay 2 have Prelim exams) na ang estilo ngayon. Dyahe. Eto na naman po kami. Hirap bago sarap... Sasakit muna ulo namin dahil sa tuition at sa exams bago ang pinakananabikang Christmas vacation. Ah... Christmas vacation... panahon ng puyatan, puto-bumbong, mga nagmimilagrong magsyosyota pag simbang gabi, panahon upang mamasko at pagtaguan ng mga taong pinilit lang ng mga magulang mo upang magsilbing ninong/ninang mo, at syempre libreng paputok mula sa mga kapitbahay nyong bata na malakas magsunog ng pera pero takot masunugan ng bahay o di naman kaya ay maputulan ng daliri. Ang sabi ng iba, pang-uuto lang daw yun ng mga bata pero di lang nila alam na likas lang talaga sa mga Bulakeno, lalo na yung mga mababait na kagaya ko ang magmalasakit sa kanilang kapwa. Alien ba tayo dyan mga kapatid? Nung pauwi naman, kinapos ng piso yung barya ko kaya hinuthutan ko si Jackilyn. Tapos nung nakakita pa ako ng barbecue, e nilubos-lubos ko na. Paminsan-minsan lang naman e. (Pero hopefully dadalas na) Hahaha! Tenks Jacko!

Ok eto nalang muna sa ngayon. Mag-update kayo G.T. Cancel and co.! Advance Merry Christmas and a Happy New Year to me! Tumatanggap ako ng gift as in gift check, pero mas ok kung yung sa SM nalang para malapit. Gift, ok lang din... pero kung alkansya lang ang laman, e pupunuin ko ng bato yun at ipupukol sa inyo! Syempre cash in any denomination greater than 500 pesos is welcome. Kung ako sa inyo wag na kayong maghintay ng pasko, busy kasi ako at isa pa tumatanggap na naman ako ngayon. Kaya sige lang ng sige. The more you give, the happier I get. May chance pa kayong makausap at mapasalamatan ko. Ang saya diba?

Comments

G.T Cancel said…
Waaaahaaa!!! nice okey ka talaga!!! pero ito lang masasabi ko, LINTIK LANG ANG WALANG PALTIK!

Popular posts from this blog

Bakit LAlayo Sa LAlake??

Madalas sa araw-araw,ibat-ibang tao ang nakakasama natin, merong hanep kung tumitig, parang may infrared amg mata na ini-iscan ka mula ulo hanggang paa, may astig mag-lakad , merong parang nawawala at merong parang wala. Sa aming eskwelahan, marami-rami na rin akong nakilala, at sa sobrang unique ng bawat isa, gusto kong isa-isahin ang mga katangian nila. ☺UNAHIN NATIN SA MGA LALAKE: ◘ ALLAN: Kung sa ka-Epalan lang, wala ng tatalo jan, iyang si allan, hindi mo malaman kung seryoso o High lang talaga, minsan kasi nag-kukwentuhan kami ng mga seryosong bagay, tapos bigla-bigla na lang babanat ng mga Jok-Jok nya (Eh di aman nakakatawa) pero ok. naman sya, mahusay at cool din kasama kahit papano, ºoh kala mo pinuri ka na?º ◘ JASPER*Luma: Ewan, ewan ko diyan!, di ata gaanong mahilig sa group picture eh, me ☺pag ka-maangas at mayabang yan. pero may sens naman, laging doble ang t-shirt, kala mo laging (change costume•kasama kaya sya Justice league?) ewan ko kung bakit, sobrang malinis, ayaw pa...

Resbak

Dahil inuna na ni G.T. Cancel kaming mga kalalakihan, e hindi naman yata tamang manahimik nalang ako at magwalang bahala. Kaya kung baga, bilang ganti sa mga kahalayang kanyang ibinunyag, ako naman ang maglalabas ng mga anghit nila. Sa dinami-dami ng mga taong nakilala ko, masasabi kong isa na siguro sa pinaka-malalakas humithit ng katol ang mga kaklase ko. Pero dahil nga sem break na naman at malamang ang iba sa amin ay mamamaalam na (parang patay lang e noh?), e titinuan ko na lang tong entry na to. Simulan natin kay: Abi - para tong panahon, pabago-bago ng klima. Minsan okay lang tapos magugulat ka na lang may sapi na. At kung anu-ano ng lengwahe ang binabanggit. Ang may-ari ng infectious laptop; lungga ng mga kilabot na viruses na nasagap nya mula sa pagba-browse ng **** sa internet at yung mga nakuha nya sa ibang workstation sa comp. lab at mga pc rental shops sa labas. Hi ate! Pero sa tingin ko, misunderstood lang sya. Kailangan nya lang sigurong matutong makihalubilo sa ibang ta...

A Spooky Party

Many things are unbelievable and so hard to believe in, but sometimes we use these abnormal things as something to make fun of, something for a children to have fear of, best subjects for most popular movies, we use to have a blaming matter for every malefic occurrences, and we make party to celebrate creepy, sometimes as a Halloween party, can we possibly say that a spooky is a happy party? just what we expect from the famous wannabees there? In us, people didn't practice to celebrate boisterous poltergeist there in every corner, or to prepare eerie vampire their favorite spooky spider cakes, but there are those who want to have a chance for experiences, like me and some of my friends. Unlike any other celebrations Halloween party is totally different compare to those common celebrations and party that these words are always on the line: " Happy birth day, Happy valentines, happy anniversary, happy chuva-chuva, or anything with happy. Trick or Treat is the famous lines in thi...