Skip to main content

WAM (Wala Akong Magawa)

(Note: Lutang ako nung sinusulat ko to kaya churi na kung wala tong katorya-torya. At APPLE yung pictures ko hinihintay ko parin... Di ako nagpaparinig ah. Tenks.)

Eh... Ano nga ba? Natatabunan na ko ng mga articles ni GT Cancel kaya panahon na para mag-update ulit. Pero tae, puro hangin lang ang pumapasok sa kukote ko. "Lutang", ika nga ni Travex. Malay ko bang pagkatapos pa ng Christmas party kami pakakainin? Kung alam ko lang, di na sana ko nag-LM (Lugaw Mode). Shiet talaga! Magsaksak kayo!

Kahit compulsory o sapilitang pagtatrabaho ang naganap naming Christmas party, e masasabi kong nag-enjoy naman ako sa kakatawa sa mga di pinalad na mga nilalang na nagkalat sa mga parlor games. Mula sa mga nantatalong hanggang sa mga na "one-shot" ng itlog sa mukha, e sulit na sulit ang pinasok ko. Yun nga lang, kagaya ng dati, nuknukan ng haba ang naganap na program. Merong mga panahon habang nakaupo ako na gusto kong matulog o di kaya'y magkamot ng tumbong, pero dahil nga nasa harap ako ng madla e pinigilan ko na lang ang aking sarili.

Nang matapos ang party at naghahanda na kaming magpunta kila APPLE para sa kanyang debut e hinarang si Marimar ng isang lalake upang magpa-picture. Grabe bilib na talaga ko sa kanya, ibang klase talaga ang kamandag ng babaeng to! I salute you! Speaking of salute, nakaimbento ng bagong pauso si GT Cancel, ang L salute; isang patunay sa kanyang pagiging henya sa larangan ng makamundong hilig at pagnanasa. Pero yan nalang muna yung tungkol dun dahil gagawa daw siya ng article tungkol sa nasabing salute. Bago ko ipagpatuloy ang kwento ko tungkol sa debut ni APPLE, e magkaroon muna tayo ng recap tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Papaya Mania - sa utos ng aming english professor ay kinailangan namin magproduce ng isang music video ng song na papaya; isang pamosong song, na may pamosong dance moves. Bunsod na rin ng kahidhidan namin sa pera ay napagdesisyunan namin na subukang guamawa ng isang kakaibang video. Pero dahil sa matigas na balakang ni JJR, e hininto ang produksyon at nauwi sa drawing ang lahat. Kung gusto nyong makita ang raw version ng aming papaya music video, i-search nyo ang "loko lang", sa youtube.

Debut ni Princess - ang pinaka-unang debut ng classmate ko ngayon na aking napuntahan. Maraming putahe, may videoke, at may alak; ang tatlong sangkap sa isang matagumpay na pagdiriwang at ang pinaka-epektibong paraan upang magpakasaya. Isa sa mga di ko malilimutang pagdiriwang dahil dito ako unang lumusong sa isang fish pond.

Ballroom Dancing Part II - dahil di pa sapat ang kahihiyang inabot ko nung first year sa kamay ni Ma'am Copiaco, ay naisipan nyang ibalik ulit ang pamosong ballroom dancing sa aming syllabus. Para akong na-deja vu; nakita ko na naman ang mga nakakunot na noo ng mga kaklase ko, at ang mga mukhang sambakol na wari mo'y napagsukluban ng samu't-saring dumi mula sa imbornal... Para silang mga tinderang nalugi; galit at nagrereklamo. Na-assign ako sa ibang group kasama si Travex, dito rin namin na-developed ang aming FRS (Female Rating System) na based sa cartesian plane. Simple lang ang mechanics ng naturang sistema - hindi kagaya ng mga makalumang pamamaraan na kung saan hinusgahan ang katangian ng isang babae mula sa scale na 1-10, ang aming makabagong sistema ay base sa dalawang factor. Ang PF (Physical Factor) kung saan nirarate ang panlabas na anyo ng isang babae at ang BF (Bedroom Factor) na nagrarate naman sa performance ng isang babae sa kama. Basically, base sa nasabing factor kino-compute ang rating ng isang babae. Halimbawa, ang isang magandang babae na mukhang dalubhasa sa paglalaro sa kama, ang tinatawag naming double-positive (+, +) specimen ay nabibilang sa unang quadrant, ang mga magaganda naman ngunit mukhang hindi sanay sa sining ng kahalayan, yung tinatawag naming positive-negative (+, -) specimen ay nabibilang naman sa ikalawang quadrant, ang mga di pinalad, yung mga nasa ikatlong quadrant, ang tinatawag naming double-negative (-, -) specimen ay yung mga... okay di ko na itutuloy. Tapos ang huling quadrant, and negative-positive (-, +) quadrant ay ang kasalungat ng pangalawang quadrant.

NOTE: Ang naturang sistema ay unstable pa. Practice with care. Mahirap ng masampal, kayo rin... At isa pang dapat tandaan, ang FRS ay nabuo lamang dulot ng matinding pagkabagot. Alam namin na hindi tamang manghusga ng isang tao, lalo na base sa mga kababawang kagaya nito. Ito'y katuwaan lang sa pagitan ng mga mahahalay na magkakaibigan, yun at yun lang. No offense to the ladies. Trip trip lang.

Okay balik ulit tayo sa topic, yun nga na-assign kami sa ibang group, at okay na sana dahil malaki ang chance na makapareha ko si Girl-Next-Door dahil kung based lang sa height, e tyak bingo na ko. Kaso dahil sa kadaldalan namin ni Travex, e nabulilyaso ang plano ko dahil nalipat si Travex ng ibang group at nasira ang pairing. Shiettt!!! Pero at least hindi ako na HIC (Hell In a Cell) kagaya ng iba. Tsaka ko nalang ipapaliwanag yung HIC.

Para paikliin ang isang mahabang kwento, nagkaproblema kami sa pagpapractice pero sa di malamang dahilan ay nabigyan kami ng mataas na grado. Kaya masaya ako.

The Prospects - natural lang sa isang binata/dalaga ang magkaroon ng mga crush. Kaya naisipan kong magtanong-tanong kung sinu-sino ang mga prospects ng mga classmate ko. At kung paramihan lang ang usapan, e panalong-panalo na si ano.

Nagyong tapos na ang aking maikling recap, balik tayo sa birthday ni APPLE! Magdidilim na ng makarating kami kanila APPLE, at syempre dahil nga gutom parin ako pagkatapos ng Christmas party, e buo na ang isip kong magpakasasa sa kanyang mga handa... pero di pa man din ako nakakakalahati sa kinakain kong mga putahe, e bigla nalang akong nakaramdam ng isang masamang pangitain; sumakit ang tyan ko. Kaya yun, kagat labi akong naupo, at nakipaglaban sa aking tyan. Matira matibay... Uuwi ba ko, makikigamit ng CR, o maghahanap ng matataas na talahib upang ikubli ang aking kasalaulaan. Pero di ako nag-iisa, tatlo pala kami, yung una di kinaya at umuwi, kaming natirang dalawa ay nakatiis at di naglaon nakaramdam ng kaginhawaan ng humupa na ang pagta-tumbling ng aming mga bituka. Marami din akong natuklasan, kagaya ng nickname ni Abnormalites na APPLE, at ang scandal ni ano, at sino ba ang di mamangha sa makalaglag brief na singing voice ni Juana. Wow, di ko alam na magaling pala syang kumanta, as evident sa nakalaglag na panga ni AJ. Ng mag-uwian na, ay naisipan naming, mag-iskarsyon muna, kaya hinatid na muna namin sila Mylene at Princess. Ngayong alam ko na ang mga bahay nila, may pupuntahan na ko ngayong pasko... Grabe sumasakit na arthritis ko... Hanggang dito nalang muna ulit. Bago ako mamaalam e, heto muna ang listahan ng mga FUW (Frequently Used Words) ng ginagamit namin sa klase.

Machorya - mahilig sumabat o mahilig magdetalye ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

Lutang (Flying without wings) - isang taong parang naputukan ng kanyon; wala sa sarili

BJ - isang salitang may double meaning, pwedeng Buko Juice o Blow (censored)

SM - simpleng manyak; isang taong pa-virgin effect

Baho - pinausong expression ni Mylene Abilon

Magsaksak - pinausong expression ni GT Cancel

Mammoth - isang taong malaki at malapad, pinauso ni Travex

Yan nalang muna. Okay, see you later kids!

Comments

G.T Cancel said…
Huwaaa!!! mag-saksak tayu!! yehehe... Ganda. Oks astig! Ta-tag nyo ah!!! napag-labanan nyo ang tawag ng inidoro! (anong lason ba nakain nyo sa b-day ni APPLE!) hehe... kita kits sa pasukan!

Popular posts from this blog

A Spooky Party

Many things are unbelievable and so hard to believe in, but sometimes we use these abnormal things as something to make fun of, something for a children to have fear of, best subjects for most popular movies, we use to have a blaming matter for every malefic occurrences, and we make party to celebrate creepy, sometimes as a Halloween party, can we possibly say that a spooky is a happy party? just what we expect from the famous wannabees there? In us, people didn't practice to celebrate boisterous poltergeist there in every corner, or to prepare eerie vampire their favorite spooky spider cakes, but there are those who want to have a chance for experiences, like me and some of my friends. Unlike any other celebrations Halloween party is totally different compare to those common celebrations and party that these words are always on the line: " Happy birth day, Happy valentines, happy anniversary, happy chuva-chuva, or anything with happy. Trick or Treat is the famous lines in thi...

Eh, How Do I Tell This?

People have believed that there is more to the world than meets the eye. Behind the outward, material appearance of things there is sensed something inward, immaterial and usually invisible. To tell the truth I also having a hard time believing this unearthly things, I tried to separate my self with such eerie matters. But we cannot deny their existence they are part of earth's creation and they take a place in our everyday life and experiences. I grew in Manila, a civilized city here in the Philippines where you wouldn't expect that creepy things exist in here, but we do know that a man cannot invent anything which he didn't know, you know that it exist because you believe eh? y/n? I wont just tell a story related with this, and its not just to tell a story from a story teller ( or wherever i found such stories ) but instead to share my own perceptions about it, to navigate the ghostly world of unbounded spectral encounters. To define the myth and facts behind stories, als...

Why We Had This Stupid Days?

People always seem to find a good days to make fun of. Nevertheless, we usually gone for something we are not sure of. We pretend to be happy with everything we work and we get busy with, but the meaning isn't there and sometimes we know it that we do nothing but just a matter of lame. I have to admit that I had spend my days for lust. I make my self busy doing unimportant things, and I think that is because I'm here as a teenage lost in nowhere. As I pass through many days, I'm starting to realize how I became a piece of junk dragged to streets of junkies. I'm starting to stop doing things which I ought to do for many times. Many times with just the same folks and folklores of endlessness myths. I hate doing things allover but then I didn't get to discover this for many times I played every games. And now how I wish to call for something meaningful more relevant and full of sense... Until I didn't have this meaningful thing I wouldn't stop asking why? and w...