Skip to main content

KiLI-Kili Mo!!!

Ha!Ah!Ha!!! Malapit na ang bakasyon! pero si Locke bumibira parin. Pero kung may pikon man o defensive samin, tsempre hindi ako yun, wala kayong ebidensya!!! (mga P****na Nyo!)... Totoo nyan wala akong maisulat dito. Pero dahil natatabunan na ni Locke ang mga pang-Famas kong journal kelangan nako bumangon mula sa matagal na pananaginip ng tirik mata at tulo laway. Hayz marami na ang nag-bago mula ng medyo mapahiwalay na ako ng landasin sa mga mahahalay kong kaklase, meron na kasi akong ilaw at gabay ngayon, dahil sa pag-dating nya, lalo ko lang napatunayan na talagang iba ang level ng mga kaibigan ko pag-dating sa mga makamundong bagay. One day isang araw ng nasa hall way ako eh.. naka-salubong ko yung mga BSSM kong classmeyts (bachelor of science in shoe mart) nagulat ako kay Ma.Carmela Aquino( hindi ako mag-tatago ng pangalan para maging makatotohanan to!!! rakEnRol!!!)dahil sabi nya may nahuhulog daw na mansanas sa aking palda, nalungkot ako ng husto dahil hindi ko nagustuhan yung biro nya, kung bakit kasi mansanas pa yung nahuhulog eh pwede namang talong, o di kaya ay Upo. Hanggang ngayon palaisipan parin sakin ang mansanas sa spalda. Minsan naman... Binibigyang malisya ni Mylene Abilon ang pag-lalakad ko... bakit daw parang medyo naka-bukaka... siguro daw pasmado, PASMADO???? na-windang talaga ako sa mga pinag-sasabi nya... tapos naisip ko yung word na "kang-kang" medyo may-pagka exotic ang salitang ito at parang tunog hapon kaya naisip ko na gamitin sa sentence, in return dun sa sinabi nya eto ang sagot ko: " kaya ako parang naka-bukaka mag-lakad para READY TO KANG-KANG agad! " weyy!!! galing kong pag-haluhaluin ang mga words ano? may-tagalog na may english pa at may japanese.

At anong meron sa kilikiling walang kiliti??? o sa mataba at basang kili-kili?? na Makapal ang Buhok ni alex O. Santiago sa kili-kili. Na expose lagi ang kili-kili ko. At bakit maputi ang kili-kili ng mga taong gumagamit ng tawas at maasim ang kili-kili ng taong sik-sik liglig at umaapaw sa katabaan?. Hindi ko lang talaga alam kung anong meron sa mga kili-kili at paborito itong tampulan ng katatawanan. Eh bakit ang mga taong may-putok sa kili-kili eh iniisnab lang ng mga makakasalubong nya? Siguro nga marahil... unique ang kili-kili ng bawat isa sa atin, unique sa amoy-- iba-iba, may amoy bayabas, amoy sinigang na bayabas, amoy anghit, amoy bikong panis, amoy datu puti suka, amoy lupa ( fertilized soil ), amoy singit, amoy bagoong at kung-ano-ano pang amoy, iba-iba rin sa kulay, may kulay lumot, kuloy uling, kulay kabayo, kulay libag, kulay puti ( yung dirty white )at kulay burak, iba-iba rin sa texure ang mga kili-kili natin, may kili-kiling sing gaspang ng liha, merong sing lambot ng gelatin, tapos basa pa, may umaalog-alog na kili-kili at merong matatambok na kili-kili. at may kili-kiling alon-alon dahil sa kulani saka kulugo. Hayz.. tama na nga ang usapang UnderArm.

Ayan at talagang wala na akong maisip na kabal-balan, pero bago ako umalis... na-curious siguro kayo sa itsura ng kili-kili ni Alex ano??? Eto na ang surprise ko senyo!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Comments

Locke said…
hahaha! beri gud! okay ka sa banat ah! lumabas na rin sa wakas lahat ng naipon mong chakra. kaso yari ka kay jackilyn! anong "amoy sinigang na bayalas". haha. joke lang jacko!^^ peace!
G.T Cancel said…
Yehehe!!! oonga... amoy sinigang na bayalas!! totoo sya inspirasyon ko jan!!! Nyahahaha!!!

Popular posts from this blog

hayz...

Hindi na nga ianaasahan, at isa pa masyado na ngang biglaan, abala na sa sched namin, super gastos pa ang inabot ko dito... masaya, ine-required kami ng program head namin na mag punta sa world trade center, hindi yung binomba, yung local world trade natin dito sa pinas... eto, eh sa sobrang lapit sa mga pwedeng pag-galaan, kaya ng maka tuntong pa lang kami eh, buong sabik agad na nag puntang MOA ( Mall of Asia ) malapit lang kasi yun. Hayun, pikturs-pikturs ang inabot namin sa galaan, halos nakalimutan ko na na may mga projects pa kaming hindi natatapos >hayzz Marami nga kaming kabalbalan na pinag gagawa duon, kumain, mag window shopping panoorin yung mga taong may ibat ibang emosyon ang mga mukha habang nag lalakad ( tapos pag-tatawanan lang) AHahaha!!!! masaya talaga, dahil kumpleto kami, kaming mag kakaibigan. yung nasa pic. Pag Uwi ko kinuwento ko kaagad sa aking butihing ina lahat, sabi nya sa college life ko daw talaga madalas mararanasan yang mga lakad-lakad na yan, at haban...

Bakit LAlayo Sa LAlake??

Madalas sa araw-araw,ibat-ibang tao ang nakakasama natin, merong hanep kung tumitig, parang may infrared amg mata na ini-iscan ka mula ulo hanggang paa, may astig mag-lakad , merong parang nawawala at merong parang wala. Sa aming eskwelahan, marami-rami na rin akong nakilala, at sa sobrang unique ng bawat isa, gusto kong isa-isahin ang mga katangian nila. ☺UNAHIN NATIN SA MGA LALAKE: ◘ ALLAN: Kung sa ka-Epalan lang, wala ng tatalo jan, iyang si allan, hindi mo malaman kung seryoso o High lang talaga, minsan kasi nag-kukwentuhan kami ng mga seryosong bagay, tapos bigla-bigla na lang babanat ng mga Jok-Jok nya (Eh di aman nakakatawa) pero ok. naman sya, mahusay at cool din kasama kahit papano, ºoh kala mo pinuri ka na?º ◘ JASPER*Luma: Ewan, ewan ko diyan!, di ata gaanong mahilig sa group picture eh, me ☺pag ka-maangas at mayabang yan. pero may sens naman, laging doble ang t-shirt, kala mo laging (change costume•kasama kaya sya Justice league?) ewan ko kung bakit, sobrang malinis, ayaw pa...

The El Salute

Grabe, ibang klase! wala na atang tatalo sa batch namin kung sa pag-papauso lang ng mga kabalbalan ang pag-uusapan, kami ang bida dun! Minsan hindi mo napapansin, dadating na lang ang araw na may isang bagay kaming masayang pinagtitripan, at isa sa pinaka mainit ngayon sa mga bulok naming pakana ay ang misteryosong EL Salute. Ano nga ba ang "L" salute na ito? tanong ng ilan. sa totoo lang walang eksaktong paliwanag ang salitang ito. Basta na lamang itong tumubo, at namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang ang El Salute version namin ay parang wala lang. Ipapatong mo ang kamay mo na ang mga daliri ay nasa porma ng letrang L sa noo, tapos lolokohin mo ang sarili mo na "L" salute na nga iyon at masaya kang makikigaya sa iba pang abnormal mong kaibigan na ka El salute din kahit hindi mo naman talaga alam ang eksakto mong ginagawa. HISTORICAL BACKGROUND kamakailan lang nag-simula ang grupo namin nila alex na ipa-laganap ang El saludo ( mag-bigay galang!!!) na alam naming ...