Grabe, ibang klase! wala na atang tatalo sa batch namin kung sa pag-papauso lang ng mga kabalbalan ang pag-uusapan, kami ang bida dun! Minsan hindi mo napapansin, dadating na lang ang araw na may isang bagay kaming masayang pinagtitripan, at isa sa pinaka mainit ngayon sa mga bulok naming pakana ay ang misteryosong EL Salute.
Ano nga ba ang "L" salute na ito? tanong ng ilan. sa totoo lang walang eksaktong paliwanag ang salitang ito. Basta na lamang itong tumubo, at namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang ang El Salute version namin ay parang wala lang. Ipapatong mo ang kamay mo na ang mga daliri ay nasa porma ng letrang L sa noo, tapos lolokohin mo ang sarili mo na "L" salute na nga iyon at masaya kang makikigaya sa iba pang abnormal mong kaibigan na ka El salute din kahit hindi mo naman talaga alam ang eksakto mong ginagawa.
HISTORICAL BACKGROUND
kamakailan lang nag-simula ang grupo namin nila alex na ipa-laganap ang El saludo ( mag-bigay galang!!!) na alam naming balang araw ay kikilalanin din ng saligang batas bilang ganap na simbolo ng kabanalan ng mga mahahalay. December, 2007 ng minsang nasa classroom ang buong BSIT/BSCS-II ng batch 07-08 ng SMA ay palihim na nagaganap ang isang meeting De Sagad habang nag-tuturo ng Seguridad pang makinang takbuhan ng programa at aplikasyon ang aming kyuti-kyut-kyut na prop. Sa mga oras ding iyon, nag-kakaisa ang ikot ng aming mga eye bols, lilinga-linga, titingin-tingin sa kung saan, tapos ay ngingiti, lilitaw ang maningning na ngiping may tinga pa ng chocomucho o di kayay bacconets. Ang ilang pigil tumawa o yung mga ayaw mabuking na mala PETRANG kabayo ang ngiti nila dahil sa kapal ng gilagid at mala kahoy na ngipin sa laki ay yuyuko na lang at palihim na pipihit ng di maampat na tuwa, may mga magtatakip ng panyo sa bibig, may sobrang kerengkeng na kikislot-kislot dahil sa di mapigil na kalandian dulot ng kasiyahan, at yung iba naman na hindi alam kung paano ilalabas ang ka-praningan eh, hahablutin ang buhok ng katabi, saka walang awa na iwawasiwas. Lahat ng uri ng ekspresyon na nag-papakita ng di mawaring kaligayahan ay nanduon sa tagpong iyon. Speaking of kaligayahan, ano nga ba yung bagay na nakapag-pasaya sa aming kwentuhan?
Well, anu pa nga ba? usapang... Hmn... Berde! siguro alam nyo na yun! bunsod na rin ng pag-kabagot namin sa karismatik naming prop eh hayun! at napagdskitahan nga namin ang ganung uri ng kwentuhan. Nag-umpisa iyon ng kalabitin ako nila melai sa tagiliran syempre leyt reaction ako.
Melai: (matapos sumundot) Tila baga napanawan ka na ng kiliti binibini?
April: (na-bigla) Hindi ko alam ang itinuturan nyo, paumanhin at marami akong ginagawa.
Melai: (hindi kumbinsido sa reaksyon ni april) kung iyong mamarapatin, manawang isalaysay mo saamin kung paano mong narating ang rurok ng kalangitan.
April: (pinipilit na panatilihin ang poise) pasensya na subalit hindi ko maintindihan ang gusto mong ipahiwatig, anong kinalaman ng kiliti sa kalangitan?
Eepal si Mylene sa Usapan
Mylene: Estupida! nag-mamalinis ka pa! hindi ngabat hinigop na ni Galileo ang lahat ng kuryente mo sa katawan datapwat narating mo ang langit dahil sagad ang iyong kahalayan?
April: (napipikon. labas na ang ugat sa ulo) Isa iyang kasinungalingan!!! akoy isang babaeng malinis! binibining kiti-kiti, diyatat masyadong matalim ang iyon dila! (tatayo sa kina-uupuan)
sa narinig, may maiisip si princess kaya sya ay sasabat na rin
Princess: (sesenyas ng El Salute) Hindi ako maka-paniwala april! ganung ka pala! ganun ka!
At duon na nag-simula ang pag-silang ng El Salute, Siguro alam nyo na kung ano ang ibig sabihin ng "L" sa El Salute.
O sige, iwanan natin ang makalumang usapin. Dumaan tayo sa bago at mainit na pang-yayari tungkol sa El saludo. Sa totoo lang eh hindi na sya sariwa, nangyari na sya nung December 20, 2007 kelan lang.
karugtong ng WAM ni Locke
Oo, sa maniwala kayo o hindi, na damay din ako sa kalandian ng eskwelahan namin, Gusto ko tuloy idik-dik sa sahig yung nag-pauso ng christmas party na 5 hours ang tagal tapos, walang kainan, bawal lumabas ng gym, bawal umihe, bawal umeksena sa gitna, walang ex-change gift, ang pa-geyms ay di kwela pero nakakasakit, bawal mag-tabi ang mag-Jowa, bawal mag-ingay kahit na gusto mo pang-magsaya, bawal kumurap. At eto>>> kelangan sumali ang mga 2nd year ITE sa larong nakakasakit kung hindi bagsak sa finals exam. HwuooH!! at talagang tigang na tigang na ako sa gutom. Ganun din siguro sila alex. Mga aalas-dos palang ng hapon, dumating na yung meal namin sa JOLEBE pero 5:30 na namin nakain. pag kuha ko ng parte ko, eh iyak-tawa lang ako sa tatag ng kapit ng spangheti sa styro at naalala ko yung kulubot na mukha ng lola ko sa tuhod ng makita ko yung hita ng manok (sumalangit nawa.)
Sobrang saya ko dahil halos patapos na ang devil party namin, habang hinihintay ang daring pictorials ng reyna ng kasukdulan na si sheena eh inumpisahan na namin ni alex ang pag-papalaganap sa L Salute.
GTCancel: Commanding Officer No.1 what is the essence of living?
Locke: Mam! The essence of living is to be-- (humahaba pa ang nguso) malilililililli.....voughe Mam!
GTCancel: Good! nga pala ano un B.J? (pa-inosente effect.)
On the way na kami sa bahay nila apple at malayo palang ay langhap na langhap ko na ang litson na may mansanas sa bibig, parang wi-niwelcome na kami nito. Puros kababalaghan ang mga tagpo sa loob ng isinumpang jeep dahil duon namin isi-nakatuparan ang tuluyang pagpapakilala sa L salute. L salute sa noo, dalawang el salute sa noo, El salute sa pagitan ng mga hita (beng!!!!) at kung san-san pa. Hayun at napagkasunduan nga namin ni alex na sumulat ng article tungkol dito, at batay sa mga nakalap kong impormasyon mula sa mga lehitimong staffers ibinigay nila ang kanilang mga plataporma:
• para pag-kaisahin ang mga mamayan
• para pairalin ang pagibig sa kahalayan...
• para kilalanin ng saligang batas bilang pambansang simbolo ng kahalayan
• para ilantad ang mga taong ayaw mag ladlad ng itinatagong animal sa kanilang mga kaluluwa
• upang himukin ang mga mapainosente effect na malaman ang tunay sa likod ng palda (bakit palda?)
• Peace on earth
• Upang gawing natural na liberal ang mga Mahihinhin o yung mga mahinhin-dutin
senyo, Happy 2008!!

Comments